Chapter 60 (Vanquish)

734 36 53
                                    


Sabrina's POV

Nagising ako nang maramdaman ang umuugang sasakyan kung saan ako nakaupo.

I quickly roamed my eyes.

Sakay na ako ngayon ng isang van, sa tabi ko ay si Hendrix at nasa harap namin ay si Barnie. Sa driver's seat naman ay si Phoenyx ang nagmamaneho.

"Sabrina!" Sinalubong ako ni Barnie nang mapansin niyang gising na ako at agad siyang lumapit para tignan ang sugat ko.

"How are you feeling?" nag-aalala niyang tanong at sinuri ang sugat ko na ngayo'y nababalutan na ng piraso ng tela.

"What happened?" Kumunot ang noo ko, at ang tingin ko ay dumako kay Drix na deretso lang din ang tingin sa'kin at walang imik.

"You fainted. Others are rushed into the nearest hospital at nauna na sila sa'tin para mas maagapan ang pagpapagamot sa mga napuruhan. Tayo ang magkasamang apat ngayon dahil hindi naman tayo masyadong nasugatan. Tanging kayo lang ni Drix."

Doon parang kidlat na bumalik sa'kin ang eksena naming lahat kanina bago ako mawalan ng malay.

Napahawak ako sa ulo at sumandal, "sinu-sino ang mga napuruhan?" Nangangamba na ako ngayon sa mga maaari kong malaman but I have to ask.

"Si Niel, Axel, Chanlei, Farrah, Jieun and Enzho."

Napapikit ako nang mariin at nanlumo, marami sila.

"Enzho was critical, wala na siyang malay nang mapansin siya ni Ezhra kaya nga mabilis na isinakay agad sila ni Mr. Ocampo at Bryan patungong ospital."

"We are going to the hospital too." Nasilip ko si Nyx mula sa driver's seat nang magsalita siya. "Kailangan niyong matignang dalawa dahil sa mga natamo niyo."

Naibalin ko ang tingin kay Drix dahil doon. Sinulyapan ko ang kanang kamay niyang prente lang na nakapatong sa hita niya, pero kahit na ganoon ay naroon pa rin ang bakas ng pamumula at pagdurugo.

"I'm okay." He tried to smile to make me calm pero wala itong naging epekto.

Naiinis at nalulungkot pa rin ako para sa sinapit niya, at sinapit naming lahat.

Then I remembered.

"Barnie, where's my Dad?" Luminga-linga ako mula sa bintana at sinubukang alamin kung nasaan na ba kami ngayon at kung nakasunod ba sa'min ang mga van na dapat ay sasakyan namin.

"Your Dad is fine, Sabrina, you don't have to worry. Katulad ng nasa plano ay sinurrender na ni Mr. Si sa awtoridad ang mga kings, kasama si Kerwin. Mr. Stone, Felix, Dexter, Jaxx and Hera are also there to accompany Mr. Si." Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan niya.

"At Sabrina, may kailangan kang malaman."

"Ano?"

"Dahil sa natamong tama ng baril ni Mr. V ay kasali siya sa mga dinala sa ospital. Nagpadala naman ng mga tao ang PNP para bantayan at asikasuhin si Mr. V. Kapag naayos na ang mga sugat niya ay tsaka siya isusuko sa awtoridad. The Hewson queen on the other hand was dead on arrival, nakatamo siya nang tama ng baril sa ulo nang magpaulan ng bala ang mga tauhan ng senator. At si Benedict Nakagawa naman ay—"

Kumunot lalo ang noo ko nang bahagyang bitinin ni Barnie ang pagsasalita.

"What? Anong nangyari kay Benedict Nakagawa?"

Napayuko siya at bago nagpatuloy, "he escaped..."

Para akong nabingi sa narinig. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba.

"Paanong, nakatakas siya?" My mind can't process that news properly.

Benedict escaped? The Hewson heir? But how?

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon