~Answer the riddle at the end~
Sabrina's POV"May kinalaman ka ba sa nangyari kanina?" There's seriousness in his voice and I'm not sure what to feel.
"I'm sorry, I don't think I follow," kunyaring naguguluhan kong tanong kahit na ang totoo ay hindi na ako nagulat sa pang-aakusa niya.
"Sa nangyari kanina, and the whole conversation about gangs, you seem to know a lot about that matter. I've always been wary about you from the start, I've already told you I'm curious about you, and the thing that happened earlier," he paused for a moment and stared deeply at my eyes, "you just gave me another mystery to ponder about."
Panandalian akong natahimik pero sa huli ay napangisi ako.
Here we go again, Hendrix—again with your nosiness.
Marahan akong humakbang palapit sa kanya, pinanood niya lang akong lumapit. "Bakit hindi mo nalang ako diretsuhin? You said you're curious, mind sharing a penny of your thoughts about me?" Huminto ako nang ilang hakbang nalang ang layo ko sa kanya.
Mas sumeryoso siya, "what's your affiliation with gangs? Are you one of them?" walang alinlangan niyang sabi.
"What makes you think I'm one of them?" kinubli ko ang sarkastikong ngisi na gustong kumawala sa'kin.
"Nasabi ko na noon, hindi ba? Palagi kang nai-involve sa gulo, noong nakaraan ay nabaril ka. Noong minsan naman ay nadakip ang kaibigan mong anak ng gobernador. At first, I thought it's only because your father's involved in politics, but it seems there's something more."
"And you already judged me based on that?"
"Why, did I judge wrong?" walang alinlangan niyang sagot, at pakiramdam ko ay na-offend ako doon.
"Does pissing me off makes you happy?" hindi ko na napigilang itanong sa naiinis na tono.
"I'm just asking a question, Sab," kaswal niyang sabi.
"Then why would my answer matter to you? I don't see the sense of having this conversation with you. Kung talagang nagtatanong ka lang, sana naman pinagisipan mo muna nang mabuti kung maganda ba 'yang itatanong mo o hindi."
Kumunot ang noo niya, "hey, I didn't mean to—" Akmang hahawakan niya ako nang hindi ko siya patapusin sa pagsasalita.
"Ano kayang mararamdaman mo kung ikaw naman ang huhusgahan?" Natigilan siya sa narinig.
"Hindi mo gusto, hindi ba? Hindi mo gustong mahusgahan, kaya nga nililihim mo sa iba ang katotohanang anak ka sa labas." Sa sinabi ko ay napansing kong naikuyom niya ang kamay sa ere na akmang hahawak sa'kin kanina.
Did I trigger him? Well, good.
I smirked when I saw his reaction, "you should think first before you speak. I can only tolerate you for a couple of times."
That's the last thing I said before leaving him there frozen, mukhang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko. Hanggang sa makapasok sa kotse ko ay ang sama-sama ng mood ko. Ito na marahil ang pagkakataong pinaka-nainis ako kay Hendrix.
I sighed—fine, fine, hindi ko naman siya masisisi, because part of his judgement is correct.
Axel's POV
Napalingon ako sa pintuan nang pumasok doon si Niel, tumama agad ang tingin niya kay Stapphennie at saglit sila nagkatinginan bago umiwas ng tingin si Stapph at nagpatuloy sa pagce-cellphone.
Napasipol nalang ako sa nasaksihan, awkward.
Napabuntong hininga naman si Niel at naupo na sa upuan niya. Magmula kasi nang mag-away sila ni Stapph kahapon ay hindi na siya pinapansin ni Stapph.
BINABASA MO ANG
Decipher Squad
Mystery / ThrillerSabrina, Hendrix, Niel, Stapphennie, Axel, Hera and Barnie, they are the DECIPHER SQUAD. Not your typical high school squad, there's more to them than what you see. Don't ever try hiding things or keeping something a secret from them, because they w...