Chapter 5 (Be Mine)

1K 53 16
                                    


Hendrix's POV

"Join the special section," seryoso niyang sabi.

Noong una ay hindi ako makapaniwala, but afterwards, I laughed.

"Are you kidding?" I looked at him in disbelief.

"Kailan ba ako nagbiro, Hendrix?"

"Then wag mo kong pangunahan sa mga bagay na wala ka naman palang alam," naiinis kong sabi nang mapagtantong seryoso nga siya.

Nasanay na ako sa pangingielam niya sa buhay ko, but not this, it's nonsense.

"Sinong may sabing hindi ko alam ang mga bagay na sinasabi ko?" makabuluhan niya akong tinignan. "I know things more than you do."

Natigilan ako dahil doon at tinapunan din siya ng tingin.

"Someone called me, nalaman kong pinapasali ka sa Special Section. Lil bro, it's a great deal, why did you reject?" nagtataka niyang tanong, pero mas nagtaka ako.

"Who told you?"

Bahagya siyang natigilan pero nagsalita rin, "hindi ko kilala."

Naglakad siya palapit sa'kin and then I chuckled.

"Naniwala ka sa taong hindi mo kilala?" I asked, he's obviously lying though.

"Don't change the topic. Just join the special section program, malaki ang maitutulong nito sa'yo."

"Like what?" Kunot noo ko siyang tinignan, may kakaiba sa mga sinasabi niya na siyang nagpapa-curious sa'kin.

"Sikat na school ang Hendrim, at isa na ata ang Special Section sa mga maipagmamalaki nito. Kapag napasali ka dito, sa tingin mo, gaano matutuwa si Dad?"

Hindi naman ako agad nakasagot at napaisip.

"Besides, wala nang masasabi sa'yo si Mommy kapag nagkataon." He grinned na akala mo'y napakagandang idea ang binigay niya.

I just frowned, "I'm not interested, hassle at magulo ang mapasali doon."

"No, it's not. Why don't you just try?"

"It's a waste of time," bagot kong sagot.

"At sa tingin mo, may pinakikinabangan ba 'yang oras mo ngayon?"

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya, "bakit ba nangingielam ka?"

"At bakit hindi ka nalang makinig sa'kin? It's a great opportunity for you to prove yourself to anyone who dares to belittle you—yes, I'm talking about my mother. It would be a great and thrilling experience for you, I promise."

He speaks like he knows everything.

"Ayokong sumali sa isang bagay na para lang sa entitlement," pagpuputol ko na sa usapan dahil hindi ko nakikitang magandang ideya ang pagsali sa special section program.

"Get out." Binato ko siya ng isang unan at tsaka ako humiga sa kama, pero nasalo niya ito at malakas na binato sa'kin pabalik, na siyang tumama sa mukha ko.

"G*go," mura ko na ikinatawa niya lang.

"Well, I knew you're not an easy brother, pero di ako susuko. Kung di ka madadaan sa persuasion, then I'll bargain."

Kumunot ang noo ko, lalo na nang isang makabuluhang ngisi ang kumawala sa labi niya.

"Join the special section, and if you do, I'll convince that to let you go back to your apartment and live alone."


Niel's POV

Hanggang ngayon ay hindi mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi ni Jaxx noong nakaraan, na after 4 days daw ay makakabuo na kami ng grupo. Coincidentally, sa dalawang niyayaya kong sumali sa'min which is si Barnie at Hendrix, bigla-bigla ay pumayag na sila after they've declined for numerous of times.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon