Chapter 29 (Case dismissed)

541 40 16
                                    


Sabrina's POV

Kinuha ko na ang bag ko at handa nang umalis..

Tinawag ko na ang bagong driver ko para ipaalam sa kanya na paalis na ako kaya nauna na ako sakanyang lumabas habang hinihintay ko siyang ihanda ang kotse.

Paglabas ko ng pinto ay may isang box na agad ang bumungad saakin sa lapag at harapan ng pintuan.

Nagtaka na agad ako.

Medium size ito at parang regalo na binubuksan sa ibabaw.

Kinuha ko ang box at tinignan ko muna kung may nakasulat or nakalagay sa labas pero wala. Luminga-linga na rin ako sa paligid, nagbabakasakaling makita kung sino ang nag-iwan nito, pero wala rin.

At dahil curious, binuksan ko ang box.

Ngunit bigla kong nabitawan ang box dahil sa gulat nang makarinig ng isang bomb sound.

Isa palang explosion box ang isang 'to na parang jack in the box. Pagbukas ko palang ay may bumungad at umusli na stuff toy na peacock--ngunit hindi maganda tignan ang peacock na ito. Hindi ito katulad ng totoong peacock na makulay sapagkat itim ang stuffed toy na ito at may mga red outlines. Sa unang tingin pa nga lang ay matatakot ka sa itsura ng stuffed toy. Bukod dito ay may sound effect din ang box kung saan ka makakarinig ng malakas na 'BOOM'.

Sinamaan ko ng tingin ang box at 'yong laruang peacock na naroon. Ngayon kasi'y tumatawa na ang peacock at hindi ako nagkakamali ng rinig.

Ang tawang iyon ay nakakainis, nakakairita, nakakagalit...

"Mr. V..." Wala sa sariling sambit ko.

Napapikit ako at napakuyom.

Pero bigla akong kinabahan nang may marealize.

A-alam na niya ang bahay ko?

Dali-dali kong kinuha ang box at may nakita akong maliit na papel na nakasabit sa laruang peacock na naroon.

'FOUND YOU'  ang nakasulat.

Bigla akong kinilabutan sa nabasa.

Nagmadali akong tapakan ang box upang masira ito at pinasok sa kotse ko.

Itatapon ko ang box, pero hindi sa bahay ko. Malay ko ba kung ano pa ang nasa loob ng box na 'yon. Baka may munting surpresa na naman saakin si Mr. V, at alam kong hindi ko magugustuhan ang anumang surpresa na iyon.

Habang nasa kotse ay hindi ko maiwasang mabwisit sa sarili ko.

Paano niya nalaman ang address ko? Isang beses ko lang naramdaman na parang sinusundan ako, at 'yong isang beses na iyon, alam kong naligaw ko ang sumusunod saakin. So paano ako nasundan sa bahay?!

Inis akong napabuntong hininga.

"Heiress, andito na po tayo." Pagputol ng bago kong driver sa pag-iisip ko.

Ni hindi ko napansin na nasa parking lot na pala kami ng Hendrim.

"Salamat." Bumaba na ako sa sasakyan at naglakad.

"Sabrina!" Napalingon ako sa pinanggalinan ng boses ng tumawag sa pangalan ko ngayon.

At sa di kalayuan saakin ay nakita ko si Chanlei na malawak ang ngiting nakatingin saakin.

Tinaasan ko pa siya ng kilay pero huminto ako sa paglalakad kaya naman lumapit siya.

Pansin ko lang, parang lagi kong nakakasalubong ang DS or SS tuwing umaga? Coincidences?

"Musta?" Pagbati niya at sumabay sa paglalakad ko.

"Good." Sagot ko naman.

"Papasok ka na rin ba?" Parang ewan na tanong niya kaya bahagya akong natawa.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon