Chapter 52 part 1 (Affliction)

488 32 2
                                    


Sabrina's POV

Abot-abot ang kaba ko habang hinihintay na sagutin niya ang tawag. I've been calling him for the 5th time, he's still not answering!

Damn it, Hendrix!

"Dexter, wala na bang ibibilis 'to?" tanong ko kay Dexter na busy sa pagmamaneho.

Mabuti na rin at nandito si Dexter para may sasakyan akong magamit papunta sa apartment ni Drix. The moment I received the news from Joy, I immediately hurried my way back.

Masama ang kutob ko, baka may nangyari nang masama. At ang mas nakakabaliw pa, hindi ko alam kung sino ang naghahanap sa'kin at kung ano na naman ang kailangan nila, but one thing is for sure, isa ito sa trinity.

Ang tanong, sino sa tatlo?

Muntik na akong masubsob nang ipreno ni Dexter bigla ang kotse.

"Shit!" mura niya. Bigla kasing nag-red light kaya napahinto siya.

"What do you think happened to Drix?" Ibinalin niya sa'kin ang tingin.

Hindi naman ako mapakali na sumagot, "I-I don't know."

He just sighed, nang mag-go signal na ay muli niyang pinagpatuloy ang pagda-drive. After a while ay narating din namin ang apartment ni Drix.

Agad kaming bumaba ng kotse at pumasok sa loob, mas sumama lang ang pakiramdam namin nang makitang nakaawang ang pinto ng pinakapintuan papasok.

Someone's been here...

Mabilis pa sa alas kwatro naming pinasok ang loob at gano'n nalang ang gulat namin sa nasaksihan.

The apartment is in chaos!

Basag-basag at magugulo ang mga kagamitan, ang mga paintings sa gilid ay sira-sira, maging ang ilang mga gamit ay nakakalat sa sahig.

Hendrix...

Hindi ko alam kung dumoble ba o trumiple ba ang tibok ng puso ko, basta ang nasa isip ko nalang ngayon ay ang hanapin siya.

Tumakbo agad ako paakyat sa kwarto niya pero agad din akong natigilan nang saktong pag-akyat ko sa ikalawang palapag ay malawak na nakabukas na ang pinto ng kwarto ni Drix.

Nilakasan ko ang loob at pumasok doon.

Kung gaano kakalat sa ibaba ay mas grabe ang kalat ngayon dito sa loob ng kwarto.

Nilibot ng tingin ko ang buong paligid, at halos yanigin ang puso ko nang makita si Hendrix na hinang-hina at walang malay na nakahandusay sa sahig.

"Hendrix!" I ran towards him.

Pain and anger rushed throughout my body.

T-This can't be!

"Hendrix, wake up!" Sinubukan kong tignan kung magigising pa siya, but to my avail, he didn't respond.

"F*ck, Drix, come on wake up!" I plead.

Nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ko, lalo na nang wala akong makuhang response mula sa kanya.

Blood, he's covered in blood and bruises. Ang ibang dugo niya pa nga ay kumakapit na sa katawan ko, but I don't care.

"No, please no." Napakapit ako nang maigi sa kamay ko nang magsimulang manginig iyon.

I'm scared, I'm scared.

This scene looks very familiar, it looks exactly like the memory from the past that I don't want to remember anymore.

The memory from that night.

"Hindi, hindi! Yaya gumising ka! Wake up, please!"

She's covered with blood, I couldn't even feel her heartbeat anymore.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon