Chapter 12 (Decipher Squad)

1K 47 34
                                    


Niel's POV

Papasok palang kami ni Stapph sa entrance ng building nang mapansin naming palabas ang lahat ng estudyante at papunta sila sa auditorium.

"Anong meron?" tanong ni Stapph.

Sakto namang kalalabas lang din nila Hera, Axel, Drix at Barnie. Nasa likod nila si Mr. Si at Sabrina na nag-uusap.

"Andyan na pala sila Niel." Tinuro kami ni Hera.

"Saan kayo pupunta?" tanong ko.

Si Mr. Si na ang sumagot, "sa auditorium, darating ang director at ipapakilala na kayo sa buong school. Sorry for the sudden announcement," napapangiting aniya kahit halata namang sinadya niyang hindi sabihin sa'min.

"Wait, as in now na? Sa harap ng maraming tao? Hala, hindi ako nakapag-handa!" reklamo ni Stapph na ikinatawa namin.

"Hayaan mo na, Stapph, maganda ka naman na eh." Hinila ko na siya palakad kaya wala na rin siyang nagawa.

Pagpunta namin sa auditorium ay nakaupo na ang mga estudyante at mukhang naghihintay. Naka-set up nang maayos ang stage at kumpleto ang buong faculty staffs sa harapan. Mukha rin silang natataranta sa pag-aasikaso.

Napukaw naman ng atensyon ko ang labing-apat na upuan na nakapuwesto sa harapan, pito sa kaliwa at pito sa kanan, sa gitna naman ay mayroong limang malalaking upuan.

Mukhang alam ko na kung para kanino ang mga upuan na 'yon.

Maya-maya pa ay dumating na ang Special Section, nalipat agad ang atensyon ng ilan sa kanila, ang ilan ay nakangiti at ang ilan ay nagbubulungan. Nagdere-deretso ang SS sa paglakad hanggang sa marating nila ang harapan at doon sila umupo sa pitong bakanteng upuan sa kanan.

"Tara na." Naunang naglakad si Mr. Si kaya sinundan namin siya. Pinaupo niya kami ngayon sa pito pang upuan sa harapan, sa kaliwa ng SS. Ako ang pinaupo sa gitna.

Ramdam na agad namin ang pagtataka sa mukha ng mga estudyanteng nakasaksi ng nangyari, ang iba'y nagbubulungan pa, marahil ay nagtataka kung bakit may mga bagong mukha ang nakaupo sa harapan.

"Well, their stares are quite intimidating?" bulong ni Hera.

Minabuti nalang namin na hindi pansinin ang pagtataka ng karamihan at hinintay na magsimula ang programa. Maya-maya pa nga'y sabay-sabay na dumating sina Mr. Ocampo, Madame principal, tsaka ang director. Natahimik ang lahat at agad tumayo upang magbigay galang.

Hindi ko naman maiwasang pansinin ang isa pang tao na kasama ng director. Isang babae na nakayakap sa isang black teddy bear, nakasakay siya sa wheelcheer na siyang tinutulak ni Mr. Ocampo. Batid kong hindi lang ako ang nakapansin sa babae dahil mukhang ang ilan ay nagtataka din sa kung sino ang babaeng kasama ng director.

Kinalabit ako ni Hera, "leader-boss, sino 'yong babae?"

Tuloy ay napunta din sa akin ang tingin ng iba pa, napakamot nalang ako sa ulo, "hindi ako masyadong pamilyar, but she seems like a big figure."

"Ako kilala ko siya! She's the director's daughter, I forgot her name pero ang alam ko ay ka-batch niya si president Kaipher. Dalawa lang naman ang anak ng director, isang babae, at isang lalaki. Kung di ako nagkakamali, her name is Sunny Helldrim," paliwanag ni Barnie.

"O diba, dapat si Barnie ang tinatanong natin eh. Member siya ng gossip club remember?" pang-aasar ni Axel kaya natawa kami.

Natigil lang ang tawanan namin nang nasa harapan na rin ang director. Naupo sila sa limang malalaking upuan sa gitna. Bale ang nakapwesto doon ay si Mr. Ocampo, Ms. Sunny, director Helldrim, Madame, at Mr. Si.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon