Chapter 7 (First Case)

1.1K 48 23
                                    


Stapphennie's POV

"Mommy, aalis na po ako, bye!" Humalik ako sa pisngi ni Mom at nagtatakbo palabas. Hindi naman ako excited pumasok 'no?

Well, excited akong makita si Sabrina. Gusto kong mag-thank you sa kanya dahil pumayag siyang sumali sa'min kahit tumutol ang senator. Ang akala ko talaga ay hindi na siya makakasali dahil napilitan lang din naman siya noong una.

I'm curious, what changed her mind?

"Stapph! Stop Stapph!" rinig kong sigaw ni Mommy na hinabol pala ako hanggang labas. Natawa ako sa sinigaw niya pero hinintay ko siya na makalapit.

"Baby, nakalimutan mo 'to," sabay abot niya sa'kin ng isang maliit na maleta.

Nagtaka naman ako, "Mom, para saan po 'to?"

Pero ngumiti lang siya at pinapasok na ako sa kotse na siyang maghahatid sa'kin papasok.

Buong biyahe ay iniisip ko kung para saan ba ang maleta. Nang buksan ko naman ay puro mga damit at pera ang laman nito. May outing ba? Field trip ba namin at hindi ko alam?

Nang marating ko ang campus ay hindi ako dumeretso sa room dahil balak ko sanang tanungin si Madame sa bagay na 'to, sa tingin ko kasi ay may kinalaman 'to sa special section. Kaso hindi ko na natuloy ang pagpunta ko sa office ni Madame dahil nakasalubong ko si Jieun.

"Stapphannie," pagtawag niya, hinarap ko naman siya, at sa pagkakataong 'to ay may kaunting pride. Well, nagtagumpay kami sa hamon niya.

"Why?" nakangiti kong tanong.

Nilingon niya ang hawak kong maleta nang nakasimangot, "nasa room namin ang mga kaibigan mo. Ikaw at si Sabrina nalang ang hinihintay."

"Sa room niyo? Bakit?"

Ngumisi lang siya at tsaka ako tinalikuran, "let's go, mauubusan na kayo ng oras."

Nalilito man ay sinundan ko siya nang magsimula siyang maglakad. Nang makarating kami sa room nila ay nagulat ako na pati pala ang mga kaibigan ko ay may dalang kanya-kanyang bag at maleta. Tulad ko ay mukhang wala rin silang kaalam-alam sa nangyayari.

"Stapph," pagtawag ni Niel kaya lumapit ako sa kanya.

"Anong meron?" nagtataka kong tanong

"Hindi ko rin alam, basta nasa classroom na kami nang sunduin kami ni Chanlei at papuntahin dito."

Dumeretso naman ang tingin ko sa malaking backpack na dala niya.

"Ayan ba? Si lola ang nag-ayos niyan, nagulat na lang ako nang sabihin niyang ito ang dalhin ko ngayong araw," napapakamot sa ulong sabi niya.

Maya-maya pa ay dumating na din si Sabrina, pansin ko lang lagi siyang late.

"Good morning, Sab!" pagbati ko agad, tinanguan niya lang ako at umupo sa bakanteng upuan sa may puwesto namin.

Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng room ng Special Section at halata mong nagtataka siya sa pagiging iba ng classroom na 'to sa iba pang classrooms sa regular class. Sabagay ngayon lang pala siya nakapasok sa room na 'to.

"Sab, bakit parang wala kang dalang gamit?" tanong ni Barnie at doon ko din napansin na wala nga siyang dala na kung ano bukod sa uniform na suot niya.

Nangunot naman ang noo niya, "bakit, para saan ang bag?"

"Hindi rin namin alam, pero by seeing na lahat kami ay may dala at ikaw ay wala? Hindi ba't nakapagtataka?" pagpunto ni Niel kaya mukhang napa-isip siya.

Bigla namang sumingit si Chanlei sa usapan, "okay lang na wala kayong kaalam-alam sa nangyayari, ganyan din kami noong una." Nginitian niya kami.

"Jaxx, tinawagan ko na si Mr. Sicily at papunta na daw siya dito," si Farrah naman ngayon ang nagsalita.

Decipher SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon