chapter 33

8.2K 303 15
                                    

Cherry POV

"Bakit Naman kasi Hindi mo sinabi agad!? Nahihirapan ka tuloy! ayaw kong nahihirapan ka Cherry....kaya please wag naman ganito. Pagaling Kana.." namamaos na sabi ni Kara Habang Nakaluhod sa Harap ko.

Napaluha nalang ako. Nandito kami ngayon sa kwarto ko Dahil tinawagan ko siya. Hindi ko naman akalaing Na masasabi iyon nang Bunganga ko.

Flashback...

"Kunyare... magkakaroon ka nang sakit! Ano iyon?" Sabi ni Kara saakin habang magkaharap kami sa kama. Naka Indian sit kami habang ako nakasandag sa Headboard at siya ay nasa paanan..

"Anong klaseng tanong iyan! Malamang wala akong gustong isakit! "Bulyaw ko sakanya bago inirapan. Marami na kaming pinag-usapan pero napunta naman dito ngayon. Kanina kasi ay sa pangarap kaya sinabi ko doctor tapos napunta naman sa sakit..

"Hindi naman ganon ang ibig kong sabihin...pero ano nga? basta sagutin mo!.." natatawa nitong sabi. Para saakin ay hindi magandang tanong iyon dahil nao-offend ako.

"Syempre meron na akong ashma At Sakit sa puso Kaya ang sasagutin ko nalang ay Allergic nalang sa kahit ano---"

"T--teka?...a-no? Sakit sa p-uso? PUSO!??" Gulat nitong sabi saka napatayo pa ito sa Kama.

Nanlaki ang mga mata ko saka napatakip ng bibig dahil sa gulat. Napaluha Nalang ako. Bigla akong kinabahan at Naging mabilis ang bawat Pintig nang puso ko.

Parang Naging trauma ko narin kasi ang sakit na ito. Kahit ano ano ang sakit na Pinadama nito saakin. Tuwing naiisip kong May Sakit ako sa puso ay naaalala ko si Dark..

Kung paano niya ako Saktan.

End of flashback.

"Natatakot ako" umiiyak kong sabi At pilit na iniiwas ang tingin niya na ngayon ay Nakaluhod saakin.

Pinunasan ko ang aking luha at saka umatras. Nanginginig ako na baka ipagsabi niya sa lahat. Ayaw kong kaawaan nang lahat.

"Nahihibang Kana ba!? Para saiyo iyon.... Cherry--"

"Paano pag Wala na talagang pag asa diba?... natatakot akong Magpagaling kasi---kasi ano...Baka hindi kona kayanin...mahina ako. Alam mo iyan.." nakayuko kong sabi saka umupo narin sa Kama. Tumayo ito at saka mabilis akong kwinelyohan.

Nanlaki ang mga mata ko nang kwinelyohan ako nito kaya napataas narin ang paa ko habang nakatingala sakanya. Lumuluha ang mata nito habang galit na nakatingin saakin.

Napaiwas ito nang tingin at saka niya ako marahas na tinulak sa Kama. Napaupo ako at saka nanginginig na nakatingin sakanya. Seryoso ang mga mata niya habang galit na nakatingin saakin habang Nakayukom ang mga kamao.

"Bakit ba ang Hina hina mo!? Bakit ba puro nalang negatibo ang nasa Utak mo?!para naman sa sarili mo iyon eh! Halika! Isusumbong kita kila tita--"

"W..wag!" Sabi ko bago hinila ang mga braso niya. Akma niya kasing bubuksan ang Pinto.

"Bakit? Paano ka gagaling niyan? Sabihin mo!" Galit nitong sabi saakin sa nilayo ang kamay niya. Kita ko ang awa sa mga Mata niya na nakatingin sa Namumutla kong muka.

Hindi naman Masiyadong halata at muka lang akong stress kaya alam kong hindi nag hihinala sila mom at dad also my kuya's.

"Ayaw Kopa.." sabi ko Bago Siya niyakap. Umiyak ako sa balikat niya na dinaluhan niya naman. Hinahaplos niyang aking Likod.

"B..bakit?" Malungkot nitong tanong saakin Saka ako Hiniwalay sakanya. Pinagharap niya kami habang hawak niya ang magkabilang balikat ko.

Tinaas niya ang muka kong Nakayuko nang hawakan niya ang baba ko. Lumuluha akong Sumisinghot sa harap niya na Kinairap niya...mas matured kasi ito saakin kung mag isip niya minsan ayaw niya nang May umiiyak. Lalo na ako.

"Tama na. Hindi Kana bata...Sige kung iyan ang gusto mo. Hindi kita pipilitin pero tandaan mo Magpapagaling ka.." sabi niya na kinatango ko. Ngumiti ito saakin saka Mahinang sinabunutan ang aking Buhok na kinadaing ko.

"Ouch--".

"Mamamatay nanga Tinatago pa ang sakit...haystt ewan ko sayo!" Sabi nito saka pinalo ang aking puwetan na kinanguso ko.

Akala ko iyon ang Pag aawayan namin nang matagal. Buti nalang at Lagi niya akong iniintindi tuwing Ako ang mali. Mahilig siyang magpatalo para saakin dahil alam niyang hindi ko siya titigilan.

"Why do I heard some Noise here? You two are fighting? Did you two Cry?"

Kuya Vill. Nakakunot ang noo nito habang nakahawak sa Doorknob pero hindi niya tuluyang pinasok ang katawan sa loob ng kwarto.

"H..ha? Hindi! Ano kasi..uhm. ito! Napulingan lang kami kasi Nagbabatuhan kami nang unan--" hindi na natuloy ang sasabihin ni Kara nang putulin iyon ni kuya vill habang nanatili kaming Nakatayo sa harap niya.

"Don't make me Dumb here. Why do the pillow was there. Still at the Bed?" Malamig nitong sabi saka tumingin saakin.

Naglakad ito at saka Pumunta sa pwesto ko. Mahina niyang tinulak si Kara na Kinairap nito. Hindi pala sila close..

"What happened? You okay?" Malamig nitong sabi habang sinuri ang aking muka bago pinunasan ang aking luha.

Mas napaluha ako. Nagiging sweet nanaman kasi siya. Inaway niya kasi ako kanina sa Kotse kaya ayun! Bumabawi.

"Okay lang.." pinunasan ko narin ang luha ko kaya binitawan niya na ang aking magkabilang pisngi. Tumango ito Bago masamang nakatingin kay Kara na Nakahalukipkip ang mga braso sa ilalim ng dibdib.

"Ano? Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Mataray na sabi nito. Hindi mo makikitang galing sa iyak si Kara sa Kanina pa ito hindi nag eemote. Sadyang iyakin lang talaga ako sa mababaw na dahilan.

"You know my sister. Alam mo na ngang uto uto at kulang kulang.. Papaiyakin mopa--"

"Grabe ka naman na kulang kulang?! Ano tingin mo sakin isip bata?" Inis kong tanong sa kapatid kong Malamig na nakatingin sakin. Nagkibit balikat ito..

"Same. Pero madali kalang pa-iyakin kaya naabuso ka agad. dahil uto uto kapa" walang gana nitong sagot.

Nanlaki ang mga mata ko at napanguso. Ayaw na ayaw ko tuwing sinasabi na isip bata ako. Malaki na kaya ako! Alam kona mabuhay basta may pera!

"Sleep." Tipid nitong sabi Bago hinalikan ang aking noo. Napapikit nalang ako bago siya tumalikod pero May sinabi pa ito bago lumabas nang pinto.

"Love you.." seryoso ang pagkasabi niya na kinangiti ko. Naglalambing nanaman. Malamig parin makitungo pero okay lang ramdam ko naman pagmamahal duon eh.

"Love you too!" Sigaw ko nang makalabas siya bago ako Napaluha nang maisara niya iyon...

Nanikip ang dibdib ko habang nanatiling nakatitig sa pinto. Paano nalang kung wala na ako? Wala na siyang masasabihan nang I love you. Sino na Ang matutulog at lalambingin niyan sa kwartong ito.

Sa aming Magkakapatid si kuya vill lang ang madalas mag I love you sa amin. Si mom at si dad ay Madalas Pero mas malambing si mom lagi niya akong iniisip at Niyayakap bawat oras Simula nung Nakatira na ako rito. Na ginawa namin kanina bago ako matulog.

Masakit kasi hindi ko magawang sabihin sakanila. Alam kong mas maganda kung sasabihin ko sakanila dahil sila lang ang makakatulong sakin pero ayaw ko silang mag alala. Pero anong ginagawa ko mas lalong lumalala...pinag-aalala ko sila dahil nakakahalata na sila. dahil sa pamumutla ko at nawawalan nang Lakas at gana sa pagkain dahil marami akong iniisip.

"Ayaw kong mamatay...pero natatakot ako na baka..baka wala na talaga. Wala nang pag asa dahil Mahina ang puso ko. Sobrang sakit na. Sabi nang doctor wag daw ako pwede makaramdam nang Paninikip nang aking puso at sobrang saya dahil Delikado....pero ano? Mas nakararamdam ako nang Sakit dahil--

"Dahil kay Dark" seryosong sabi niya na kinaluha ko.

"Tama siya.."

_

Vote and comment.

Gangster HIGH University Where stories live. Discover now