Cherry POV
"Pinagbigyan kita ng ilang taon na mag aral sa eskwelahan nayon at ngayon ay ako na ang mag de- desisyon. "
"Jessto. Bakit don? Hindi ba pwedeng sa iba nalang. I know we can afford her to that university but...for some reason--"
"She will study there, Charry. And thats final." Si dad iyon at mabilis na Umalis kasunod ng mga Tauhan niya.
Nag papadyak ako habang nakanguso. Wala na! Wala na! Lilipat na ako sa ibang eskwelahan. Naiiyak akong napatingin sa Letrato namin ng mga kaibigan ko dito sa malaking sala.
"Mom... kausapin mo si dad. Ayaw ko don. Sama nalang ako sa mga kaibigan ko doon sa Public at don mag aral ng college." Sabi ko sakanya at hinawakan ang kamay nito.
Nakita kong napailing ito at hinaplos ang buhok ko. Malalaman ang muka nito at parang Naawa pero alam niyang wala narin siyang magagawa kaya doon ako napatigil at tuluyan nang nawalan ng pag asa.
"You know your dad, Cherry. Makinig ka nalang...it's for you. Alam mong ikaw at ikaw lang ang iniisip niya at ang makakabuti sayo." Sabi nito at Inakbayan ako habang ako ay halos Gumulong na sa sobrang pagka frustrated.
Hinila na ako nito sa dining at pinaupo, meryenda time na. Pero nanatili lang akong nakanguso habang inaasikaso ako ni mom kasama ang mga kasambahay.
"Gutom lang iyan " sabi niya at natawa.
Unti unti Konang pinapasok sa isip ko na Hindi na talaga mababago ang isip ng mga magulang ko. They can do actually everything they wanted. And I respect that a lot cause I know it's only for me...but there's this still unwanted feeling.
I have never been in that university.
"You know Cherry. You've been here for almost years. Hindi namin pinagsisisihan na Kunin ka sa Orphanage sa katunayan ay sobrang saya namin, na samin ka Napunta at wala pang nauunang kumuha sayo sa sobrang cute mo. Ang dad mo noon ay halos Hindi ka padapuan ng lamok at hindi ka palabasin. Because you're like a real princess. Kaya alam mo kung gaano siya kahigpit and look at you....maayos kang lumaki na walang halong sabit" sabi nito at narinig ko pa ang mahina nitong tawa.
Tumango lang ako at ngumiti sakanya. Hindi siya kumakain dahil pinapanood niya lang ako at binibigyan ng pagkain na halos hindi kona maubos.
"Ma. May alam kaba tungkol sa unibersidad na papasukan ko?" Tanong ko at Patuloy sa pagkain.
Hindi nakaiwas sakin ang pagkawala ng ngiti niya at ang malamig niyang pag buntong hininga at umiwas saglit ng tingin.
"Lil bit. Kilala ang Eskwelahang iyon sa industriya. Pero syempre gustong gusto mo sumama sa mga kaibigan mo doon sa public at wala kayong masyadong alam sa mga High class University and elite students kahit pa nababalita na sila sa TV at umabot sa ibang bansa. Iyong GHU ay isang malaking eskwelahan. " Sabi nito
Tumigil ako saglit. Hindi kopa iyon nakikita pero dati na akong na enroll at nalaman ko lang kanina na Doon ako mag aaral kahit nag pa plano palang akong makisabay kila Kara at KC na mag enroll sa Isang hindi kilalang eskwelahan dito sa Syodad.
"Me and your dad treat you like a princess. but you don't want to be spoiled. Lahat na kayang ibigay ng dad mo kasi sunod sa luho kapa. But you are a every stubborn cute little girl before. Gustong gusto mo pumunta sa likuran ng mansion at tumakas sa village para makipag laro sa Mga kaibigan mo doon sa Isang Baranggay diyan. Kaya non wala kaming nagawa at hayaan ka. Pinag bigyan ka namin na sa Normal na paaralan ka pumasok hanggang highschool but now. Your growing up....you should start entering your real life in this industry"
Sa sinabi niya at unti unti kong narealize ang mga ito. Lilipas talaga ang panahon at hindi ka mananatili lang sa isang lugar at tatanda kapa at don mo sisimulan harapin ang Mundo ng mag isa.
"Now you know. It's better to face the reality. You are belong to us. Alam mong ikaw ang mag mamana ng lahat ng ari Arian namin. Kaya sa oras na ito. Masanay kang Matuto at harapin ang mga tao kung saan ka talaga nabibilang. " Sabi nito at nag pilit na ngumiti.
Hindi ako na pressure. Alam kong kaya ko pero may iba akong kasiyahan at simula noon ay alam kong hindi ako masaya kung nasan ako. Iba ang hina hanap hanap ko dahil narin sa impluwensya ng mga nakakasama ko noon at dahil doon...
Natutuo akong maging masaya kahit sa maliit na bagay. Hindi lahat ng mga kalaro ko non ay nakukuha ang gusto nila. Kaya natuto akong maging mapag bigay dahil nakikita ko ang selos sa mga mata nila.
Wala akong pinagsisisihan na sakanila ako napunta. Ang mali lang ng konti ay masyado silang mayaman at Ako lang ang iisang anak. May parte rin sa sarili ko na sobrang tuwa dahil lahat ng gusto ko ay nakukuha pero masaya kaba?
Masaya ba ako?
"Com'on. Matagal pa kaming mabubuhay...your future husband can help you to your responsibility." Sabi nito at nginisihan ako.
Namula ako kahit pa wala naman akong Hinahangaan na lalaki. Buong buhay ko ay ang atensyon kolang ay ang magpahalaga kung anong meron sakin at hindi na mag hanap ng kung sino dahil May nag papasaya naman sakin. Ang mga kaibigan ko.
"Enjoy your life as a young Teenage girl, Cherry. Pero alam mo dapat ang limitasyon mo sa buhay. College Kana. Hindi naman sa Pinag bawalan sa pagkakaroon ng nobyo. Pero kung pipili ka man ng lalaki ay iyong May pangarap sa buhay at Gentleman. Lalong lalo na kung mamahalin ka talaga kung sino ka. " Sabi nito.
Ngumiti ako at mabilis siyang hinalikan sa pisngi kaya narinig ko ang mahina niyang tawa.
"Mom. I won't disappoint you. "sabi ko at Kinindatan siya.
"Ghod. You don't know how much I love you!" Sabi nito at mabilis akong Niyakap ng mahigpit.
Napangiti ako at niyakap siya. Natutuwa ako dahil siya iyong tipo ng yayamamin at masasabi mong busy woman pero kaya niyang iwan ang lahat para sakin.
"I love you too mom."
YOU ARE READING
Gangster HIGH University
RomanceGHU college Her innocence is causing her into so much trouble. And she Met a group of guys and one of those guys is her Brother that hated her in their first met and That one guy who make her fall for him too the point that He fell first but She...