"Let's go." Sabi ni Vill sabay hatak saakin papalayo sakanila.
Hindi na ako umangal dahil Naiinis parin ako ngayon dahil sa nangyari. Sa tutuusin Takot ako sa mga ganong sitwasyon parang Bumalik ulit sa isip ko ang mga nangyari kanina. paano nalang kung hindi si Dark iyon? Tsk.
"You okay? Wanna eat First? It's already Lunch time" seryosong sabi ni vill habang nakaakbay saakin. Hindi ko alam pero komportable ako sakaniya kahit bago lang saakin ito.
Umiling nalang ako sa sinabi niya dahil wala na akong gana.
"Gusto ko matulog" malungkot kong sabi sabay hikab. Tanghali na kasi kaya lagi akong inaantok Minsan kahit May klase pa. Parang Since birth na kasi na ganon ako. Malay koba.
Sa sinabi ko ay Mabilis kaming tumigil at rinig ko ang buntong hininga niya na parang pasan niya ang mundo.
"You need to eat First--"
"NO! gusto ko matulog!" Naiiyak kong sabi habang nag papadyak padyak sa harap Niya...
Kita ko ang Pag babago nang reaksyon niya. Bigla siyang napangisi bago umiling iling.
"Tsk. Childish" sabi niya pero inirapan ko nalang habang masamang nakatingin sakaniya.
Bakit ba kasi pinipilit niya akong kumain kahit ayaw ko!!? Kainis! Pag sinabing ayaw ko ayaw ko tsk. Sa mga oras na ito ay alam kong iba nanaman ang mood ko. Eh Kasalanan niya eh!!
"San ka matutulog?" Nang aasar na sabi niya na mas kinairap ko.
Oonga no? Saan kaya? Hindi naman ako pwedeng umuwi dahil mag tataka ang mga maids at Ang magulang ko. Lalo pa't ayaw kong umuwi dahil Masiyadong malayo ang bahay namin. Tsaka papagalitan ako kung makitta akong hindi pumasok.
"Edi' sa bahay niyo" nakanguso kong sabi na kinagulat niya pero ngumiti lang ako para mapapayag siya.
Inaantok na talaga ako.
"You sure? Hindi kaba Hahanapin nang Parents mo---"
"Sa tamang Oras naman nako uuwi mamayang Gabi eh. " pag dadahilan ko Habang nakahawak sa Daliri ko habang nakayuko dahil baka magalit siya tapos hindi ako payagan.
"Fine" sabi niya sabay hatak sakin patungo sa Parking lot kung saan nandun ang sasakyan niya.
"Salamat!!" Masaya kong sabi sabay pasok sa kotse niya at agad na sinuot ang Seatbelt samantalang siya ay Napapailing nalang bago sumakay at Pinaandar ang sasakyan.
Habang Nasa biyahe kami ay hindi ko maiwasang Mapatingin sakaniya. Napaka gwapong nilalang ang kasama ko. Hayst kung hindi lang siguro kapatid ang turing ko rito ay tiyak na mapapamahal na ako.
20 minutes ang byahe namin hanggang sa makarating kami sa malaking mansion. Hindi ko maiwasang mapahanga dahil sa ganda at May nakikita rin ang mga bantay sa bawal sulok at May mga armas. Hindi nabago saakin dahil sa mansion ay May ganito rin kami....malay koba. Pero alam ko naman na dahil iyon sa business namin para lagi kaming ligtas.
Bumaba kami sa kotse nang walang imik habang sumusunod lang ako sakanya habang palinga linga sa paligid at saka sumilay ang ngiti ko nang makakita nang Falls kaya agad ko iyong nilapitan at inilagay sa falls ang aking kamay.
Malakas ang agos nito kaya Natalsikan ako pero ayos lang.
"The hell are you doing?" Inis na sabi ni vill nang makalapit ito saakin sabay layo sakin sa falls
"Ang ganda kaya!" Masaya kong sabi pero hinatak lang ako nito na kinanguso ko pero bumalik ulit ang antok ko dahil narin siguro nasa byahe.
Nang makapasok kami nang mansion ay Napahanga ako agad dahil ang ganda nang loob. Sa tingin ko ay hanggang Third floor ang meron rito.
YOU ARE READING
Gangster HIGH University
RomanceGHU college Her innocence is causing her into so much trouble. And she Met a group of guys and one of those guys is her Brother that hated her in their first met and That one guy who make her fall for him too the point that He fell first but She...