"Holy Maria Nylah De Jesus, next."
Hindi ko mapigilang umirap dahil sa pagsigaw ng aking pangalan. Tumayo ako at pinagtinginan ng kasabayan ko sa interview. Nagtataka siguro ang ilan kong bakit may napunta dito na sobrang banal ang pangalan.
Aba malay ko ba kung anong trip ng nanay ko nang iluwal ako. Pangalanan ba naman ako ng Holy tas may Maria pa. Siguro iniisip na pangangatawanan ko iyong pangalan ko. Dapat umaktong Maria at maging Holy.
Nagsusumigaw ng kabanalan ang aking pangalan ngunit heto ako ngayon nagaapply sa isang night club bilang isang waitress. Pag kasing sinabing waitress sa isang night club, iba na agad ang sumasagi sa isip ng mga tao. Pokpok, bayaran, malandi, at iba pang may kinalaman sa pagiging makasalanan. Pero pakialam ko ba sa sasabihin ng mga tao, hindi naman nila ako pakakainin. Luluwa ang mata ko sa gutom kong pakikinggan ko ang sasabihin ng ibang tao.
Ngumiti ako sa naggiya sa akin papasok sa loob ng room. High-end kasi itong night club na pinag aapplyan ko. Napili ko ito kasi sabi ni Clea na kaibigan ko, mataas daw ang pasahod dito kumpara sa regular na club. Malalaki din daw magbigay ng tip at kung papalarin baka makabingwit ka pa daw ng sugar daddy. Hindi naman ako naghahanap ng sugar daddy pero malay natin magbago ang ihip ng hangin.
Inayos ko ang aking dress na ipit na ipit sa aking dibdib at pwetan. Halos isang taon na ito noong huli kong ginamit ngunit sumikip na agad. Atleast, medyo nadagdagan ang aking pwetan at dibdib.
Ngumiti ako sa mga interviewer sa aking harapan. Tatlo sila roon. Isang babae at dalawang medyo may katandahang lalaki. Ramdam ko ang paghaplos ng kanilang titig sa aking katawan. Lalaki nga naman.
"Ms. De Jesus, Please take a seat." ngiti ng nasa gitnang lalaki.
Medyo kabado pa ako. Itong kasi ang unang beses kong sumalang sa job interview. Sa dati kong pinapasukan, bigay ka lang ng resume pwede na o di kaya kausapin ko lang iyong mga kakilala ko roon na ipasok ako.
Matamis akong ngumiti sa kanila pabalik. Iyon ang advise sa akin ni Clea. Ngiti lang daw pero hindi dapat iyong ngiting nang aakit.
"Holy Maria Nylah De Jesus, you have a very sacred name. How do you want me to call you?" pag usisa ng nasa left side na lalaki.
Plastic akong tumawa. Agaw pansin talaga ang pangalan ko. Gustong gusto ko talagang palitan ang pangalan ko. Lagi akong pinagkakamalang santo.... eh sobrang layo ng ugali ko sa pagiging santo.
" Nylah nalang po Sir." I answered politely.
"Do you have any working experience in a club?" muli niyang tanong.
"I have Sir. For almost a year, I worked as a waitress in a small nightclub." muli kong sagot. Inenglish ko pa.
Tumango ang interviewer.
"How old are you?"
"21 na po Sir."
Natapos ang interview at sobrang saya ko. Nakapasok agad ako at magsisimula na agad sa susunod na linggo.
Nangingiti akong lumabas ng building habang tinitipa ang mensahe kay Clea. Isesend ko sana ang mensahe nang biglang tumilapon ang aking phone sa lakas ng impact ng bumangga sa akin.
Nanggigigil akong lumingon sa bumangga sa akin ngunit nakalayo na ito sa akin. Hawak hawak nito ang kanyang phone gamit ang isang kamay at mukhang galit na galit sa kausap dahil sa tono ng kanyang boses.
"Hoy, hindi ka man lang ba magsosorry. Binangga mo ako." inis kong sigaw sa kanya upang marinig.
Ngunit wala atang narinig at tuluyang pumasok sa building na pinanggalingan ko. Bwuisit na lalaki. Bakit may ganyang tao sa mundo? Simpleng sorry hindi magawa. Mamatay ba sila pag nagsorry kung talaga namang may kasalanan sila.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...