Kung pwede lang ibalik ang oras ay sana ginawa ko na kanina pa. Inis na inis ako sa aking sarili. Bakit ko ba kasi tinanggap ito? Oo nga pala, dahil malaki ang bayad pero kung siya lang din ang kliyente ko ay huwag nalang.
Sobrang gustong gusto kong magback out. Ni isang oras nga hindi ko siya matagalan, dalawang araw pa kaya. Binook niya ba ako para insultuhin at parusahan. Revenge? Baka hindi na ako bumalik ng buhay sa sobrang galit niya sa akin.
Nagtaas ito ng kilay, " Are you just going to stand there?"
Kanina pa kasi ako nakatayo. Hindi ko alam ang gagawin ko maliban sa gusto ko nalang umalis. Tahimik akong naglakad palapit sa kanya at naupo pero sinigurado kong malayo.
Nagwawala ang sistema ko. Hindi alam ang gagawin. Wala akong problema sa pagsisimula ng conversation sa mga kliyente ko pero ngayon hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Anong sasabihin ko? Maghi-hi ba ako. Tangina naman ito.
Abala ito sa pagsimsim sa kanyang alak. Hindi ito nakatangin sa akin pero ramdam ko ang pagkaseryoso at galit sa awra. Maya maya pa ay pumasok ang ilang nakaunipormeng waiter at nilapag sa aming harapan ang pagkain.
"Thank you!" sabi ko sa waiter.
Tahimik pa din si Kaleb. Mas lalo tuloy akong kinabahan.
" Bakit mo ako binook?" matapang kong sabi kahit sa totoo lang sobrang kabadong kabado ako. Tinawag ko na lahat ng santo.
Nilingon niya ako. Agad akong nag-iwas ng tingin. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ako nakabaon.
Mahina itong humalhak. Para akong nanlamig. Tanga, bakit ka pa kasi nagsalita? Dahan dahan niyang pinaikot ang hawak na alak sa kamay.
" I'm paying you to be my whore." may bahid na pang-iinsulto sa kanyang boses.
Hindi ko maiwasang hindi mainsulto. Binaba ko ang aking palad sa hita ko upang hindi niya makita ang pagkuyom nito. Gusto ko itong paliparin sa kanyang mukha kong abot ko lang siya.
Huminga ako ng malalim upang kalmahin ang aking sarili. Makakapatay pa ata ako rito sa sobrang inis.
" Sex is not included in the contract. Hindi ako makikipagsex sayo." kalmadong kong sabi pero may diin.
Ngumisi ito bago muling humalakhak at umiling. Inisang lagok nito ang kanyang alak bago nilapag sa kanyang harapan.
" You really know how to sell yourself. You want me to pay you more?"
Halos malaglag ang panga sa kanyang sinabi.
"You do anything for money right." dagdag niya. Alam kong may ibang tinutukoy ang kanyang sinabi.
Hindi na ako nagsalita pa dahil medyo nakonsensya ako. Pero hindi pa rin nawala ang pagkainis ko sa kanya. Ilang ulit na niya akong ininsulto ngayon gabi.
Hindi ako gutom pero kumain ako para may pagkaabalahan lang. Ang liliit pa ng serving kasi course meal kaya madali kong naubos. Kapag hinihintay ang susunod na course ay walang akong ibang ginawa kundi maupo at tumahimik.
Natapos na kaming kumain, ako lang pala kasi hindi naman niya ginalaw ang kanyang pagkain. Kanina pa ito umiinom. Halos paubos na ang isang bote ng alak sa kanyang harapan.
" Uupo nalang ba tayo rito?" tanong ko. Kanina pa kasi ako tapos kumain at hinihintay kung saan kami sunod na pupunta.
Hindi ba babiyahe kami ngayong gabi? Mukhang wala itong planong umalis at balak atang uminom buong gabi. Anong gagawin ko? Sasamahan ko lang siya dito hanggang sa matapos uminom?
" You can kneel in front of me and give me a head. I'll pay you."
Kahit lasing na ito ay nagawa pa rin akong insultuhin. Tinignan niya ako. Nakataas ang kanyang kilay at mukhang hinihintay ang gagawin ko. Tangina nito. Gusto ko talaga siyang murahin.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...