Chapter 35

9.3K 175 1
                                    

Nangingiti ako habang paulit ulit na binabasa ng aking mata ang mensahe galing kay Kaleb.

Kaleb: Done with my meeting. I miss you already.

Pinilit kong kinalma ang aking sarili dahil baka matunaw na ako sa kilig. Para akong nananaginip. Ni hindi sumagi sa aking isipan na hahantong kami sa ganito. I mean... I don't like him before and he hates me so much.

Kahit halos dalawang linggo na simula ng maging kami ay hindi pa rin tuluyang nagsisink in sa aking utak ang katotohanang gusto niya ako. Ngayong nababasa ko ang kanyang messages ay unti unting tinatanggap ng aking sistema na totoo nga ito. It's a reminder na hindi nga ito isang panaginip.

To Kaleb:
Ang haba ng pila. :(

Kanina pa ako nabobored dito sa pila. Mabuti nalang at nagtext siya kaya may pinagkakaabalahan ako.

Napagdesisyunan kong mag-apply ng scholarship grant para ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Bukambibig din kasi ni nanay na bumalik na ako sa school dahil medyo gumagaling na si Lia. Gusto ko rin naman. Ang pumipigil lang sa akin ay ang pera. Ayaw kong dumagdag pa sa gastusin sa bahay kaya naman naisipan kong mag-apply ng trabaho.

Kaleb want me to go back to his company pero noong nalaman niya na gusto kong bumalik sa school ay siya na mismo ang nag insist na bayaran ang aking tuition. Tinanggihan ko. Boyfriend ko man siya ay hindi niya ako responsibilidad.

Habang hinihintay ang reply ni Kaleb ay tumayo na ako sa monoblock at lumipat sa harapan nang magmove ang pila. Nakaupo na ako ay wala pa ring reply si Kaleb. Hinayaan ko nalang dahil baka may meeting.

Sana pala inagahan ko ang dating. Baka mamayang hapon pa ako matapos.

Nabaling ang aking mata nang magvibrate ang aking phone.

From Kaleb:
Did you bring food? Sorry natagalan, I have to make some calls.

Saktong kumalam ang sikmura ko. Hindi ako nagdala ng pagkain pati tubig.

"Sino po dito si Holy Maria Nylah De Jesus?"

Natigil ako sa ambang pagtipa ng reply ng marinig ang aking pangalan.
Taka akong nagtaas ng kamay.

Nakangiting lumapit sa aking ang isang babae na mukhang mas  matanda sa akin ng ilang taon.

"Bakit po?" tanong ko nang makalapit siya sa akin.

"Ma'am, dito nalang po." paggiya niya sa akin. Nauna na itong naglakad at hindi man lang sinagot ang tanong ko.

Taka pa rin akong nakatingin sa kanya.

"Saan po tayo pupunta?" muli kong tanong.

Nilingon ako ng babae at ngumiti.

"Ma'am, upo nalang po muna kayo diyan." turo sa akin ng babae na mukhang hindi naririnig ang mga tanong ko.

Naupo ako sa monoblock na nasa harap ng isang table. Iyong babaeng tumawag sa akin kanina ay umalis na.

"Iyong requirements po ninyo?" inabot ng isa pang babae sa aking harapan ang kanyang kamay.

Mabilis kong inabot ang hawak na brown envelope. Bakit agad akong napunta dito? Bahala na basta't nalampasan ko ang mahabang pila.

Abala sa pagtipa ang babae sa aking harapan. Seryoso ito at paminsan minsang tinataas ang nalalaglag na eyeglasses.

"Ms. De Jesus, you'll receive a call or a message if you passed the scholarship." seryosong sabi ng babae.

Tumango na ako at nagpasalamat. Iyon ang huling step. Hindi ko na inisip pa kung bakit agad kong tinawag papunta roon. Dumiretsyo agad ako sa Jollibee upang kumain.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon