Pairap kong kinansela ang tawag ni Kaleb. Malapit na akong magpalit ng number para hindi niya ako macontact. Hindi ko naman magawa dahil baka siya na mismo ang personal na pumunta dito sa amin.
Kung ano ano na ngang kumalat na balita dito sa aming barangay na may mayaman daw akong boyfriend, na social climber daw ako.Pumasok ang isang text ni Kaleb.
Kaleb: Nylah, if you don't want to see me. Atleast answer my calls.
Kapal ng mukha ng isang ito.
To Kaleb:
Ayaw kitang makita at makausap.Gigil kong reply. Hindi ko alam kong sincere ba siya sa pagsosorry. Ni hindi na nga niya ako hinabol kahapon ng magwalk out ako. Hinayaan niya lang akong umalis.
Hindi ko na dapat ginagawang isyu iyon pero hindi ko maiwasang masaktan at madisappoint. Kahit naman sabihin kong mas maganda nga iyon para hindi ko na siya makausap, ang totoo ay nagexpect ako.
Ngayon, tuluyan na akong nawalan ng gana na kausapin siya.
Sa sumunod na araw, naging madalang ang kanyang tawag at text na hindi ko naman sinasagot hanggang sa wala na akong natatanggap. Ito naman ang gusto ko.. Hayaan at tigilan na niya ako pero may parte sa aking puso na nasasaktan.
Nabalitaan ko kay Jenny mas naging busy ang office nila dahil sa nashred na papeles. Malungkot ako para roon dahil ilang araw din niya iyong pinaghirapan. Maybe, doon na niya tinoon ang pansin niya.
"Lia, huwag kang tumakbo." pigil ko sa aking kapatid na tumatakbo sa hallway ng hospital.
Sinamahan ko siya para sa chemotheraphy session niya ngayon week.
Tumigil ito at hinarap ako bago ngumiti. Nginitian ko din siya pero natigil sa paglalakad dahil sa pagvibrate ng aking phone sa bulsa ng pantalon.
Mabilis ko iyong kinuha pero agad kong sinaway ang sarili. I was expecting that it's from him pero hindi. Nanlumo ako ng hindi siya iyon.
Patungkol iyon sa aking AWOL galing sa HR.
"Ate. Halika na." sigaw ni Lia.
Hindi ko nireplyan iyon at naglakad na palapit kay Lia.
Tahimik kong pinagmamasdan si Lia habang may nakakabit sa kanyang machine. Mukhang hindi na siya nahihirapan gaya ng dati. Noong una ay grabe ang iyak niya tuwing tinutusok siya.
Umalis muna ako roon saglit at bumisita sa aking obgyn para sa aking birthcontrol pills. Paubos na kasi iyong nabili ko noong nakaraan.
"Kumusta ang nararamdaman mo?" tanong ko kay Lia ng lapitan ko na siya matapos iyon.
Malapad itong ngumiti.
"Okay lang po." ngumiti ako bago hinalikan ang pisngi niya.
Matapos magpasalamat sa mga nurses na nagassist sa amin ay naglakad na kami paalis roon.
"Gusto mong mamasyal?" nakangiting tanong sa kapatid. Mabilis itong tumango at tumingala upang makita ako.
"Wala bang masakit sa iyo ngayon?" tanong ko.
Minsan kasi ay masama ang pakiramdam niya pagkatapos ng session.
Umiling ito. "Wala po Ate. Kain tayong Jollibee."
Tumawa ako bago tumango. Natigil lang ang aking pagtawa ng marinig ko ang usapan ng nurses sa hallway. Napalingon ako sa kanila.
"Jusko, ang gwapo. Diba may something sila ni Ma'am Lana?"
"Bali balita nga ikakasal daw sila."
Nakamasid lang ako sa dalawang nurse hanggang sa nawala sila sa aking paningin.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
Storie d'amoreHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...