Hindi matanggal sa aking isip ang narinig kanina. Naupo ako sa bench at hinayaang muna ang sarili na kumalma. Sa sobrang gulo ng aking isip ay hindi ko namalayang bumaba na pala ang araw at papadilim na.
Lalong bumibigat ang dibdib ko tuwing naalala ang sinabi ng mama ni Kaleb.
Tila nagising ako mula sa pagkatulala nang tumunog ang aking phone. Kumabog ang aking puso nang mabasa ang pangalan ni Kaleb roon.
"Hello." maligaya kong sabi. Binalewala ko ang pagkirot ng aking dibdib.
"I'm sorry. I'm late.."
Kinagat ko ang aking labi. He sound so exhausted. Kung noon ay naiitatago niya pa iyon kaya hindi ko napapansin, ngayon sobrang ramdam at rinig ko. Dahil na rin siguro sa sinabi ng kanyang mama.
"Kaleb. It's okay. Hindi mo naman ako kailangan sunduin lagi."
"No. Nasaan ka! Puntahan kita."
"Nasa school pa rin."
"Okay, I'll be there in 10-- no, 5... Can you wait for me?"
"Hmm." mahina kong sabi at inend na ang call.
Muli akong nanatili roon ng ilang minuto. At sa bawat pagpatak ng segundo ay hindi naalis sa aking isip ang nalaman kanina.
Bakit hindi sinasabi sa akin ni Kaleb na may ganoon siyang kalaking problema?
Umangat ang mata ko nang marinig ang yapak na papalapit sa aking upuan.
Tuluyan nang bumaba ang araw. Tanging ang ilaw galing sa lamp post at buwan ang nagbibigay liwanag sa aking kinauupuhan.
Parang may kumurot sa aking dibdib nang mapagmasdan si Kaleb na papalapit sa akin. May hawak itong bulaklak sa kaliwang kamay.
Ang dami kong tanong na gustong itanong sa kanya pero pinigilan ko. Lalo na at mukhang pagod na pagod ito. Gayunpaman, hindi pa rin kumukupas ang kanyang kagwapuhan even with the dark circles caused by sleepless nights.
"I'm sorry."
Inabot niya sa akin ang hawak na bulaklak. Nakangiti ko iyong kinuha at tumayo. Mas lumapit ito upang mayakap ako.
"Are you okay?"
"Ofcourse. Where do you wa--"
"Hindi pa rin ba nareresolba ang problema sa kompanya at pamilya ninyo." putol ko sa kanya.
Gusto ko ng kasagutan. Come to think of it, ni wala akong masyadong alam sa nangyayari sa kanyang buhay. He would update me pero may mga bagay na hindi siya sinasabi sa akin. Gaya na lamang nito. Hindi ko alam na ganoon na pala kalala ang kaniyang problema kung hindi lang ako kinausap ng kanyang mama.
"Let's not talk about that."
Umiwas siya ng tingin nang magtama ang aming mata. Mas lalo akong na frustrate sa kanyang sagot. Ni hindi ko alam kung anong gagawin dahil sa nalaman kanina tapos ngayon hindi man lang niya ako bibigyan ng sagot. Iiwas nalang sa topic...
" Bakit? Be honest with me Kaleb. Please tell me your problem."
I want to help. Hindi ko alam kong paano ako makakatulong pero gusto kong subukan.
Seryoso at kunot noo niya akong tinignan.
Kung totoo man ang sinabi ng kanyang nanay, I don't want him to give up his future for me. Hindi ko iyon hahayaan. Nanikip ang dibdib ko..
Natatakot ako. Natatakot ako na kailangan ko siyang pakawalan. Sa ngayon, iyon lamang ang natatanging paraan gaya ng sinabi ng kanyang nanay.
" Not that big. Please, I'm tired. Let's just have dinner."
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...