Chapter 28

8.7K 194 0
                                    

Hindi ko na matandaan kong kailan ako huling kinabahan na pumasok sa trabaho. Siguro iyong first day ko rin noon bilang secretary ni Kaleb.

Habang papalapit ako sa building namin ay mas lalo akong kinakabahan. Hindi matanggal sa aking isip ang kanyang mensahe kahapon. Bakit ba kasi siya matetext ng ganoon? Mabuti nalang at sobrang pagod ako kaya naman nakatulog ako. Kapag hindi, baka dilat na dilat ako buong gabi.

"Good morning." bati sa akin ng ilang employee na nadadaanan ko.

"Good morning." masayang bati ko kahit sa loob ay sobrang kinakabahan na ako.

Paulit ulit sa aking isip kung paano ako aakto mamaya? Nagsisi tuloy ako ng sabihin ko kay Clea ang text ni Kaleb. Sinabihan ba naman ako na may gusto sa akin iyong boss ko. Mas lalo tuloy gumulo ang isip ko.

"Huwag kang assuming, Nylah. Malandi lang ang boss mo." paalala ko sa aking sarili nang makarating na ako sa aking table.

Baka ako lang ang nag-iisip noon. Baka walang ganoong intensyon si Kaleb. Kaya dapat huwag ko ng isipin pa iyon.

Maaga ako ngayon. Lagi akong nauuna kay Kaleb at dadating siya 10 or 15 minutes later. Pero ngayon dahil masyadong akong maaga ay wala pa siya. Ang dami ko tuloy time na mag-isip isip.

Tinext ko nalang si Kaleb patungkol sa kanyang schedule ngayon.

Tumayo agad ako ng makita si Kaleb na naglalakad papunta sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Seryoso itong naglalakad pero ng magtama ang mata namin ay parang lumambot ang kanyang expression. Sana namamalikmata lang ako.

" Good morning."

Naunahan niya pa ako sa pagbati dahil abala ako sa pagtitig sa kanya.

"Go-good morning Sir."

Tumango ito. " Cancel my afternoon appointment with Ivo. I have an important things to do." utos niya.

"Yes sir."

Naglakad na ito papasok sa kanyang office pero kahit ganoon hindi ko pa rin makalma ang aking sarili.

Mabuti nalang at ang daming gagawin ngayon kaya naman naging busy ang aking utak.

"Matagal pa ba?" tanong ko sa delivery rider. Malapit ng maglunch at wala pa ang pagkain ni Kaleb.

Patay ako nito kapag wala pa ang pagkain niya. May meeting ito kasama ang kapatid niya dahil hindi pumayag si Sir Ivo na kanselahin ang kanilang meeting. Pinamove nalang ngayong umaga. Medyo hindi tuloy maganda ang timpla ni Kaleb. Hindi pa naman maayos ang relasyon nilang magkapatid.

"Ma'am baka after 15 minutes pa ako nandiyan."

Napahawak ako sa aking sentido dahil sa stress bago tinignan muli ang orasan sa aking wrist. May limang minuto pa bago maglunch.

" Okay Kuya. Pakibilisan nalang po please." sabi ko bago binaba.

Baba nalang ba ako upang umorder ng pagkain? Ang arte namin kasi ng boss ko. Hindi ata iyon kumakain kapag hindi galing sa pinagoorderan kong restaurant.

Nabaling ang atensyon ko ng makita si Kaleb. Patay. Mukhang badtrip ito base sa kanyang expression. Nang makalapit na sa akin ay marahas niyang hinila ang kanyang necktie.

" Nylah, pakisunod iyong lunch ko." sabi niya na hindi nagabalang sulyapan ako.

"Sir, natraffic po kasi iyong delivery rider. Baka nandito na po siya after 15 minutes. " kabado kong sabi.

Bumaling siya sa akin. Huminga ito ng malalim. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"What's that?" turo niya sa lunch box na nakalagay sa aking table.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon