Sa dami kong pinass na resume, ni isa wala akong nareceive na tawag. Mag-iisang linggo na akong walang trabaho dahil sa kupal na iyon.
Kahit alam kong pwedeng harangin ni Kaleb ang application ko, nagbasakali pa rin ako na may tatanggap sa akin. Iyon hindi magpapasilaw sa pera pero wala na atang ganoon ngayon. Hindi ko din naman sila masisi dahil baka kailangan nila. Tapos hindi naman ako college graduate at walang maayos na credentials.
Kaya ngayon, tumutulong muna ako sa karenderya ni nanay. Mukhang natuwa tuloy dahil ang alam ay nagresign ako sa pagiging waiter. Ayaw pa man din noon doon sa trabaho kong iyon. Mas lalo na siguro kapag nalaman niyang nagtrabaho ako bilang escort.
"Nylah, kina Lando"
Mabilis kong kinuha iyong soft drink na inabot ni Ate Fe, iyong kasama ni nanay dito sa karenderya.
Ayaw ko sana na ako magbigay noon pero mukhang wala naman akong choice. Abala silang pareho dahil tanghali at madaming tao.
"Nylah, dito ka muna." aya sa akin ni Lando. Humawak pa sa kamay ko nang iabot ang isang litro ng coke.
Mabilis kong binawi ang aking kamay.Nagsalubong ang kilay ko dahil sa inis. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at umalis na.
Pagod na pagod ako ng hapon. Ewan ko ba at sobrang daming customer kanina.
Abala si nanay sa pagbibilang ng pera nang lumapit ako sa mesa. Malalim na ang gabi pero gising pa rin ito. Iihi lang sana ako pero naupo nalang ako sa kanyang tabi.
" Bakit hindi ka pa tulog?" sabi niya habang nakatutok pa rin ang mata sa perang binibilang.
"Nagising lang." antok kong sabi.
Hindi na ito nagsalita at nagpatuloy sa ginagawa habang nakatitig lang ako roon.
" Magkano pa ang kulang." tanong ko.
Iyon iba pa naman kasi naming utang hindi pa nababayaran. Tapos syempre pampaaral sa dalawang kapatid, pampagamot ni Lia tapos bayarin sa bahay.
Hindi ko pa nagagalaw ang pera sa bank account ko dahil baka magtaka si nanay kung saan ako kumukuha ng ganoong kalaking pera. Nahirapan nga akong magpalusot kung saan ko nakuha iyong isang milyon noong nakaraan. Ang sabi ko nalang nangutang ako kay Clea tapos sa ibang kakilala. Buti nalang kahit medyo nagdududa si nanay ay hindi na ako tinanong pa.
" Nay, natanggap ko na iyong separation pay ko sa trabaho. Bigay ko nalang sa inyo."
"Huwag na po kayong tumanggi." dagdag ko agad dahil mukhang tatanggi pa.
Kinabukasan, ganoon pa rin ang routine ko. Tumutulong pa rin sa karenderya tapos binabantayan na rin si Lia. Medyo maayos naman siya. Hindi halatang may sakit lalo na kapag nakatago iyong ulo. Pagkatapos lang ng therapy niya siya nanghihina pero nawawala din naman agad kapag nagpahinga.
"Seryoso ba to?" tinapik ko ang mukha habang nakatingin sa phone ko.
Paulit ulit ko iyong binasa bago nagsink in sa aking utak. Seryoso to??
"Mygoshhh." halos magtalon talon na ako sa tuwa.
Sana hind wrong send.
Unknown number:
Good afternoon, please be informed that your scheduled interview will be tomorrow (June 14) at 10 am. Thank you.
Galing iyon sa pinagapplyan kong restaurant para maging waitress. Sana makapasa ako.
Nagtatakang nakatingin sa akin si Lia. Mukhang natigilan sa pagdradrawing dahil sa ingay ko.
Lumapit ako sa kanya at masaya iyong niyakap.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...