Chapter 55

17.1K 288 32
                                    

This will be the last chapter. Maraming salamat sa pagbabas. I hope to see you again in my upcoming stories. 

Promote: I have a new series called Tales of Youth. The first installment entitled The Promise in our Stars is already uploaded. Might want to try it. Thank you.

----

Nagising ako na wala si Kaleb sa aking tabi. Mariin akong nakatitig sa parte kung saan siya nakatulog. I know he slept beside me or maybe, left when I feel asleep.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga. I was a bit disappointed that I didn't woke up next to him. Napairap ako sa sarili.

"Kaleb." tawag ko ng nasa baba na.

Hindi ko siya mahanap sa buong bahay. Dumiretsyo ako sa kusina. Unang napansin ng aking mata ang pagkain na natatakpan ng  food cover. Tinungo ko iyon. Nagtaas ang aking kilay bago kinuha ang note na nakapatong sa food cover.

Good morning, I'm sorry I didn't wake you up. We have an emergency in Manila, I need to go back. I'm sorry. I'll come back soon. - Kaleb.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman. A part of me feel dissappointed. Binaba ko ang note at walang ganang naglakad papalabas. Bumungad sa akin ang mga lalaking nakasuot ng itim na uniporme at nagkalat sa aming bakuran. May isang nakatayo sa harap ng pintuan. Labis ang gulat at kaba sa aking dibdib. Bahagyang napawi lang ng mamukhaan ang ilan doon. Napagtanto kong bodyguard iyon ni Kaleb.

"Good morning,ma'am." pormal na bati sa akin ng lalaki.

Kunot noo ko silang tinitigan. Anong ginagawa nila dito? Alam kong may ilang bodyguard na pinadala si Kaleb pero hindi sila nagpapakita. Nakatago at nakamasid lang sila. 

"Bakit kayo nandito?" iritado kong tanong.

"Ma'am, utos lang po." 

Hindi ko na siya sinagot pa at pumasok na sa loob. Mas lalong lumaki ang iritasyon ko nang  tumunog ang phone ko at makita ang pangalan ni Kaleb roon.

"Para saan ang mga bodyguard na iyon?" bungad ko. Hindi ko mapigilang magtaas ng boses. He didn't even try to consult me. Ewan ko ba kung doon nangggaling ang iritasyon ko o ang pag-alis niya na hindi man lang pormal na nagpaalam. 

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"It's for your safety." 

"Safety para saan?" 

"I'll tell you when I come back." mas lalo atang dumoble ang pagkairita ko.

"Bakit hindi mo nalang sabihin ngayon?" 

Muli kong narinig ang pagbuntong hininga niya. 

"May problema ba?" medyo kalmado kong tanong. Napagtanto kong hindi naman siya maglalagay ng maraming bantay dito kong walang problema. 

"We've been receiving a lot of death threats. Kaninang madaling araw ay may nagtangka sa  aking Tita. I want you to be safe there. Let the bodyguards stay para na rin sa ikakapanatag ko." 

Lumakas ang kabog ng aking dibdib.  Natunaw ang aking pagkairita at napalitan ng pag-aalala. Suddenly, I wanted him to come back here. Pakiramdam ko ay mas ligtas siya rito. But at the same time, I can't say those words kasi alam kung baka kailangan din siya sa Manila.

" Is everything all right?" kabado kong tanong.

"Yes, everything's under control. Babalik din agad ako sayo pagkatapos ng lahat." his voice lighten. Ngunit hindi ko magawang magsaya dahil sa labis na pag-alala.

"Do you have a bodyguard? Dapat isinama mo nalang ang ilan dito.I think you need more bodyguards than I do." 

"Relax, I have a lot of them." 

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon