Chapter 45

9.1K 197 17
                                    

Kanina pa ako nakakatitig sa mensahe galing kay Andrei. Nagtatalo ang aking utak kung magrereply ba ako. If I haven't met Kaleb back then, kanina pa ako nagreply. My heartached again while thinking about what he said awhile ago. He thinks so low of me...and honestly, I don't blame him. I deserve it.

Narealize ko din na hindi dapat ako magpadala sa kanyang galit. I should move on. Iyon ang nararapat kung gawin. At sisimulan ko iyon ngayon.

Andrei:
See you tomorrow.

To Andrei:
Good night. See you

I replied. Sisimulan ko dito. Panahon na siguro para ibaling ko sa iba ang atensyon ko. Alam ko namang malaki ang posibilidad na magaya ito noon....sa huli ako rin ang aayaw.. Nawawalan ako ng interest at nabubuo ang konsensiya sa aking puso kaya naman hindi rin natutuloy. But this time, I should try harder. I can't keep on loving a man who's already over me.

Ang pagpapatawad ang kailangan kong hingiin, hindi ang pagmamahal niya.

Nakatitig ako sa puting kisame ng hotel room. Malungkot akong ngumiti. I'll try to earn his forgiveness and after that I'll move on or I'll do both at the same time. Pero kakayanin ko kaya...

Nabaling nag aking atensyon sa tumunog na phone.

Andrei:
Goodnight.:)

Hindi na ako nagreply pa.

I scrolled my inbox to message Dalia. Hindi pa rin kasi nakakauwi. 1:30 na ng umaga. Hindi rin ako makapaniwala na gising ako ngayon. Sa dami ba naman ng iniisip ko.

To Dalia:
San ka? May balak ka pang bumalik.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago dumating ang kanyang reply.

Dalia:
Paskyat na.

Lasing na ito. Bumangon na ako sa pagkakahiga sa kama. I decided to just wait for Dalia before going to bed.

May naghatid kay Dalia na isang babae at lalaki. Mga kaibigan niya ata. Ngumiti ako sa kanila bago kinuha si Dalia na wala ng balanse sa katawan.

"Dalia, umayos ka nga." sabi ko nang muntik na siyang matumba kong hindi ko pa hinawakan.

Nagpaalam ang nanghatid sa kanya. Pahirapan kong pinahiga si Dalia sa kama. Tinanggal ko na ang kanyang suot na stiletto bago siya kinumutan.

Bumalik na ako sa aking kama at sinabukang matulog.

I thought I won't be able to sleep tonight  but I was wrong. Sa muling pagdilat ko ay sinag ng araw ang sumalubong sa akin. Nakalihis na ang blinds ng hotel at pumapasok na ang araw sa loob.

Wala ng tao sa kama ni Dalia. Mas maaga pa siyang nagising. Dumako ang mata ko sa digital clock sa side table.

Napabangon agad ako at nagpanic. It's almost eleven in the morning. Pumasok agad sa aking isipan ang ginawang promise kay Andrei. Ipapasyal pa kami noon.

Kinuha ko agad ang phone ko. Napasapo ako sa noo nang makita ang ilang mensahe galing kay Andrei.

Andrei:
Good morning.

You up?

Tuloy pa ba?

Hindi ko na binasa pa lahat. Ang unang mensahe niya ay naisend niya kaninang 6:30 at ang huli ay 8:15.
Bigla akong naguilty.

Mabilis akong nagtipa ng mensahe.

To Andrei:
I'm sorry. I just woke up.

Tumayo na ako sa kama. Bakit hindi man lang ako ginising ni Dalia? Dinaig pa ako ng puyat at lasing kagabi.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon