Chapter 17

8.9K 222 26
                                    

Gusto kong inuntog ang sarili ko nang maalala ang nangyari kagabi. Pagkauwi ko kahit sobrang disappointed ko sa sarili, ang bilis kong nakatulog. Dala siguro ng pagod.

Napapikit ako at sinubsob ang sarili sa unan.

"Ahhhh!!!" sigaw ko habang sinisipa ang kumot.

"Ouch.."

Agad rin akong natigil nang maramdaman ang kirot sa aking gitna. Nanakit halos lahat ng parte sa pang ibabang katawan ko lalo na ang aking hita at gitna.

Paanong hindi sasakit? Ang laki niya tapos naka limang round pa ata kami sa iba't ibang posisyon. Nag-init ang pisngi ko sa hiya. First time ko iyon pero hindi ako nagsisi sa ginawa. Sobrang nag enjoy din naman ako. Iyong ayaw ko lang parang ang bilis kong bumigay... parang ang easy to get ako. Lalo na at ilang beses ko siyang tinanggihan at may pasabi sabi pa ako na hinding hindi ako na makikipagsex sa kanya.... Tapos kagabi kung makaungol ako ay parang hindi ko na kilala ang sarili ko.

Kainis ka talaga, Nylah.

Matapos ang ilang minutong pagmuni muni sa kama ay bumangon na din ako.

"Putangina." daing ko at inupo muli ang sarili sa kama.

Ang sakit talaga ng gitna ko... para akong inararo ng truck. Iyong hita ko naman parang ilang oras na nakasquat.

"Anong klaseng tite iyon?" reklamo ko. Halos hindi na ako makalakad.

Buti nga at naisipan pa akong ihatid ng kumag na iyon matapos ang huli namin. Nahiya tuloy ako kay Kuya Andres. Hindi pa naman ako sure kong sound proof iyong VIP room.

Paika ika akong lumabas. Putanginang Kaleb iyon, pati sa sex may galit sa akin. Halos hindi na ako palakarin.

"Anong nangyari sa iyo?" tanong ni nanay nang madaanan niya ako papuntang kusina.

" Natalisod po ako kagabi. Nainjured ata." pagsisinungaling ko. Alangan naman sabihin kong nainjured ng tite ang puke ko. Relihiyoso pa naman si nanay. Baka atakahin pa sa puso dahil sa akin.

Hindi na siya nagtanong at dumiretsyo na sa kusina. Samantalang ako ay naupo muna sa sala. Kahit gusto ko namang kasing maglakad lakad, nakakainis kasi na paika ika ako.

"Nabayaran ko na iyong registration fee niyo sa field trip ninyo." sabi ko kina Sofie at Brix.

Pumunta talaga ako sa school nila para mabayaran talaga iyon.

"Salamat Ate, pero okay lang naman talaga kapag hindi kami makasama." sabi ni Sofie.

"Hay naku, sama na kayo. Isang beses lang nagaganap iyan. Reward din ninyo yan sa pagiging mabait na kapatid at anak."

Ngumiti sila pareho bago bumalik sa ginagawa. Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ang tatlong kapatid.

Narinig ko ang pagtunog ng phone ko mula sa aking kwarto kaya muli na naman akong bumalik roon. Ayaw ko pa naman maglakad pa.

Pagkakuha ko sa phone ay may missed call na roon si Kaleb. Anong sasabihin nito? Huwag niyang sabihin, gusto na naman niya ulit. Jusko, ayaw na ng kitty ko. Masakit pa.

Bago ko pa maoff ang phone ay may pumasok sa na mensahe galing kay Kaleb.

From Kaleb:
Come to my office this afternoon.

Nanlaki ang mata ko. Namumuro na ito ah. Hindi man lang ata pamilyar sa word na 'pahinga'.

To Kaleb:
Bakit!?

From Kaleb:
About the contract.

Nakahinga ako ng malalim. Buti naman. Isa pa pala iyang contract na iyan. Iyong isisign ko muna bago makipagsex sa kanya pero wala eh. Marupok ang Ate niya. Kinain ko din sinabi ko.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon