Chapter 25

9.2K 213 12
                                    

Pagod na pagod ako ng makarating kami sa hotel. Ang sakit pa ng paa ko.. Ilang oras din akong nakatayo at naglakad lakad habang nakaheels. Wala pa sa mood kanina si Kaleb kaya kahit gustuhin kong maupo at magpahinga ay hindi ko magawa. Hindi naman kasi ako ininform na bibisita pala kami sa factory ng kanilang kompanya kaya napaheels tuloy ako.

Umangat ang mukha ko mula sa aking kama ng tumunog ang aking phone. Pagod at walang gana ko itong inabot.

From Kaleb:
Dress up. I'll meet you in the lobby after an hour.

Napairap ako. Isasama ba niya ako sa party mamaya. Tapos bibigyan lang niya ako ng isang oras para mag-ayos. Hindi iyon sapat. Ni wala pa nga akong matinong suot or dress na babagay sa party mamaya.

Iritado ko siyang nireplyan.

To Kaleb:
Required ba? Pagod ako.

Tapos naman na ang office hour kaya pwede ko siyang sungitan.

May date naman na siya. Bakit ba ako kailangang dalhin? For sure, mag mumukha lang akong alalay ni Kaleb at ng date niya dahil sa sobrang elegante ng mga naroon. Naiisip ko pa lang nangigigil na ako kay Kaleb dahil bakit niya ako isasama kong may kasama naman siya.

To Kaleb:
Wala akong suot. Inaantok pa ako.

Dagdag ko. Pinikit ko muna ang aking mata habang hinihintay ang kanyang reply. Agad din akong nagmulat ng tumunog ang hawak kong phone.

"Bakit tawag?" bulong ko nang makita ang pangalan niyang tumatawag.

Umayos ako ng upo bago sagutin iyon.

"Good evening, Sir." pormal kong sagot.

"Are you okay?"

Medyo nagising ang aking diwa dahil sa kanyang tanong. Anong meron sa tanong niya?

Bago pa ako makasagot ay muli na naman siyang nagsalita.

"Nevermind. You can stay and rest."

"Okay. Enjoy sa date."

Dapat tunog masaya ako para sa kanya pero mas naging tunog galit ako roon. Narinig ko ang kanyang mahinang pagtawa.

Nag-iinit na naman ang mukha ko.

" Sure." natatawa pa rin niyang sabi.

" Uhmm. Sige." wala na akong masabi. Ibaba ko sana ang tawag ng muli pa itong magsalita.

"I'll send food up there."

"Okay." mabilis kong sabi bago tuluyang binaba ang phone.

Anong problema mo, Nylah? Naiinis ako. Bakit? Dahil may date siya?

Gusto ko ba siya. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Umiling agad ako. Huwag kang tanga, Nylah. Alam kong wala magandang patutunguhan kapag nagkagusto ako sa kanya. Masasaktan lang ako.

Natigil ang pag-iisip ko nang may kumatok sa aking pintuan. Mabilis akong lumapit roon.

Bumati sa akin ang babaeng staff at dala dala niya ang pagkain. Iyong siguro inutos ni Kaleb.

"Thank you." sabi ko ng maipasok na ng babae ang pagkain.

Ang dami noon. Balak ba akong patabain ni Kaleb. Pang tatlong tao ata ang pagkain na inorder niya.

Sa sumunod na minuto ay abala ako sa pagkain. Paminsan minsan ay pumapasok na naman sa isip ko na baka gusto ko nga si Kaleb. Mabilis ko iyong tinatanggi. Hindi ko siya gusto. Talagang iritado lang ako sa kanya. Hindi dahil may dinadate siya pero dahil matagal na akong iritado sa kanyang pagkatao.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon