Chapter 20

9.4K 193 8
                                    

From Kaleb:
Meet in my hotel suite.

Napairap ako nang mabasa iyon. Katatapos ko lang maglaba kaya pagod ako tapos iyon pa mababasa ko. Hindi ko mapigilang mabadtrip sa kanya kahapon. Hindi pa rin ako makamove on kasi kailangan ko pang pumunta sa cr upang makaraos.

Tinapon ko ang hawak na phone pabalik sa kama at lumabas ng kwarto. Bahala siya diyan. Kunwari hindi ko nabasa. Day off ko naman. Lagi na nga niya akong pinapagod pagkatapos ng trabaho tapos ngayon na day-off ko, wala man lang  balak na pagpahingain ako.

Bumaba nalang ako sa karenderya upang tumulong. Baka kasi tumawag at hindi ko mapigilang sagutin. May pagkamalandi pa naman ako at may parte talaga sa katawan ko na  hindi siya matanggihan. Hindi ko naman itatanggi na physically attracted ako sa kanya.

" Miss, paisang sabaw naman dito."

Agad kong dinaluhan ang customer. Mabilis akong umalis doon dahil hindi ako kumportable sa tingin niya. Ang lagkit kasi kong makatingin lalo na sa dibdib ko. Manyak.

Nakipagpalitan nalang ako kay Ate Fe doon sa pagbebenta ng ulam at kanin. Dalawa kami roon ni nanay. Halos paubos na ang mga paninda namin kaya abala si nanay sa pagluluto ng panibago. Hindi naman sobrang daming tao.

"Anong ginagawa mo dito Lia?" nag-aalala kong sabi nang makita siyang tumatakbo palapit sa akin.

Suot suot nito ang kanyang pink pajamas at pink na bennie.
Lumapit na ako sa kanya.

" Huwag ka ngang tumakbo. Hindi ba sabi ko, huwag kang bumaba at magpahinga ka nalang sa taas." pinangko ko na siya at inupo sa upuan na magkakapatong kaya halos magkalevel na kami.

"Eh, may tumatawag po sa inyo eh." sabi niya sabay lahad sa phone ko na hindi ko napansing hawak niya.

Agad na nanlaki ang mata ko at kinuha iyon sa kanya. Baka si Kaleb na naman ito. Papatayin ko sana ang phone pero natigil agad nang mapansin na ongoing ang call ni Kaleb. Napapikit ako. Akala ko makakatakas na ako sa kanya.

Medyo lumayo ako sa kapatid. Huminga ako ng malalim bago nilagay ang phone sa tainga.

"Punta ako diyan mga 7 o'clock ng gabi." sabi ko.

Ilang segundong tahimik ang kabilang linya. Tinignan ko pa kung naend na ang call pero on-going pa rin.

Papatayin ko sana ng bigla itong magsalita.

"You don't need to come."

Natigil ako. Talaga? Gusto kong tanungin kong seryoso ba siya pero baka magbago ang isip. Weird lang kasi masyado itong demanding na pag sinabi niya na pumunta ako kailangan kong pumunta. Ngayon lang ata niya kinansel.

"O-okay." gulat kong sagot.

"Ate, may oorder." napalingon ako sa sigaw ni Lia.

"Hmm, kailangan ko ng umalis. Bye." awkward kong sabi bago pinatay ang tawag. Hindi ko na hinintay pang sumagot ito. As if namang sasagot.

Pero seryoso ba siya roon? Gusto kong kutusan ang sarili dahil parang nadisappoint pa ako roon.

Nilapag ko na ang phone sa table at inasikaso na ang mga umoorder.

Kinabukasan, maaga akong umalis para sa trabaho. Agad akong tumayo nang makita si Kaleb na kadarating lang. May katawagan ito at kunot pa ang noo.

"No, I won't extend the deadline. If you can't meet it then tell me now so i could find a replacement." seryoso niyang sabi bago tumigil sa aking harapan.

" I want the revised proposal tommorow." sabi nito bago binaba ang tawag at hinarap ako.

"Good morning, Sir." bati ko agad at marahang yumuko.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon