Kinabukasan maaga akong nagising dahil ako ang sasama kay Lia para sa kanyang chemotheraphy ngayong araw.
" Hahaba rin buhok mo."
Kanina pa kasi nito hinahaplos iyong buhok ko habang binibihisan siya."Pero matagal pa." nakanguso nitong sabi.
" Maganda ka naman kahit walang buhok." ngiti ko.
Ngumuso pa ito lalo. Kiniliti ko na lang siya kaya naman napahagikgik.
"Nay, una na po kami." paalam ko nang makakababa na kami.
Hawak hawak ko ang kamay ni Lia habang sa kabila ay ang maliit niyang bag.
"Mag-ingat kayo roon." sabi niya bago bumalik sa ginagawa.
Pumara na ako ng taxi kahit medyo may kamahalan. Ayaw ko kasing palipat lipat kami ng sasakyan lalo na at kasama ko pa si Lia.
Nakarating kami sa hospital halos maglulunch na dahil sa sobrang traffic. Mabuti na lang at hindi pa kami nalate sa appoinment.
" Masakit?" hindi ko mapigilang tanong nang tinusok ang kabilang kamay ni Lia. Pumikit ito pero hindi na umiyak.
Sabi ni nanay, iyak daw ito ng iyak noong una niya. Ngayon siguro ay medyo nasanay na.
Nanatili kami roon halos isang oras. Matapos ay kita ko nag panghihina sa mukha ni Lia. Nakaramdam ako ng awa at sakit.
Medyo nahihilo ito kaya hiniga at pinagpahinga muna namin siya. Nakatitig lang ako sa kanya habang tulog. At ng medyo tumagal ay umalis muna ako upang bumili ng pagkain. Ramdam ko na kasi ang gutom at baka gutom na rin si Lia pagkagising.
Papalabas na ako ng 7/11 ay natigil ako nang makita ang isang pamilyar na mukha. Matagal ko pa iyong tinignan bago narealize na siya nga iyon. Iyong babaeng nagbayad sa akin.
Parang may sariling isip ang paa ko at naglakad upang maabutan ang babae. Gusto kong malaman kung bakit niya ba ako binayaran. Dahil sa kanya may isang kupal na pumasok sa buhay ko. Kasalanan ko naman talaga pero hindi pa rin matanggal sa parte ko na sisihin siya.
"Excuse me!" hinila ko ang kanyang kamay. Natigil ito at hinarap ako.
Kailangan ko pang tumingila dahil nakasuot ito ng heels. Matangkad naman talaga ako pero nagheels pa kasi ito.
Nagtaas ito ng kilay at maarteng tinanggal ang suot na glasses.
"What are you doing?" inilayo niya ang braso sa akin.
Nanggigil ako. Hindi niya ako matandaan. Siya ang nagpasok sa akin sa gulong ito tapos hindi niya ako matandaan.
Nakatingin ito sa akin pero unti unting sumilay ang kanyang mukha na parang nakilala ako. Ngumisi ito na mas lalo kong kinairita.
"You're that escort right. I forgot to say thank you. You did a great job."
Humigpit ang hawak ko sa paper bag.
Ginamit niya lang ako. Ni wala akong kaidedeya.
"Bakit mo iyon ginawa? Bakit?" inis kong sabi.
Muling nag angat ang kanyang kilay bago ngumisi.
"That's none of your concern. I paid you kaya ano pang nginangawa mo diyan."
Ano? Alam niya bang ginugulo ako ng lalaking iyon.
"Why? Don't tell me nakukulangan ka sa bayad." insulto nito.
Mas lalong humigpit ang hawak ko sa paper bag.
"Anong problema diyan?" lumapit sa amin ang isang guard.
"Ma'am may problema po ba?" baling nito sa babae.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...