Chapter 39

8.1K 169 5
                                    

Sa gabing iyon, ang dami  daming kong iniyak. Kung ano ano ang tumatakbo sa aking isip. Tumatak ang sinabi ni mommy ni Kaleb at ni nanay. Anong gagawin ko? Parang binibiyak ang aking puso. Ayaw kong gawin ang gustong mangyari nina nanay. Parang hindi ko kaya pero mas nasasaktan ako tuwing naiisip ang mawawala kay Kaleb at ang galit ni nanay.

Mas mukhang hindi ko ata kakayanin na makitang mawala lahat ang pinaghirapn ni Kaleb at pakisamahan ang galit ni nanay. Lalo na at kahit anong paliwanag ang aking gawin ay sarado na ang kanyang utak. I can't blame her. Ilang beses na akong nagsinungaling sa kanya. Ngayon na alam niyang nagtrabaho ako bilang escort, mas mahihirapan akong makipagbati sa kanya.

Kinaumagahan, gumising ako na sobrang hapdi ng aking mata. Namumugto at namumula, halatang hindi maitatago. Ni hindi ko namalayan kong anong oras akong nakatulog. I was crying so much until I fell asleep.

May tatlong mensahe na galing kay Kaleb. Sumasakit ang dibdib ko habang binabasa iyon.

Kaleb:
Good morning. I miss you.

Can I see you later? After your class?

Napahawak ako sa aking sintido. How can he act that everything's okay when it's not?

Hindi ako nagabalang magreply. I was not in the mood.

Pagkalabas ko ay wala na roon si nanay. Siguro ay nasa baba na.

Nag-aalalang lumapit sa akin si Sofie.

"Ate, okay ka lang."

Tumango ako. I know she heard my cries last night. Kahit anong pigil kong hindi gumawa ng tunog ay may kumakawala parin.

"Kain na tayo." tinulak ko na siya papunta sa lamesa para makakain na kami.

Pinuntahan ko muna si Lia na naglalaro sa sala. Ilang minuto muna akong nakipaglaro bago siya binitbit papuntang kusina para makakain.

"Nasaan si Brix." tanong ko.

"Nasa baba, sinamahan si nanay."

Muli akong tumango at nagsimula ng kumain.

Matapos ay naligo na ako at nag-ayos. May klase ako ngayong sabado. Wala akong ganang pumasok pero kailangan dahil may grade akong inaalagaan para sa scholarship.

"Nay, una na po ako." dumiretsyo muna ako sa karenderya sa baba namin upang magpaalam.

Kabado akong nakatayo at hinintay na lingunin ako. Muling nanikip ang aking dibdib dahil parang hangin lamang ang presensiya ko. Hindi niya ako pinansin.

Alam kong sobrang dissappointed siya sa akin.

"Ate, may klase ka?" bumaling ako kay Brix.

"Oo, Una na ako."

Matamlay akong umalis roon hanggang sa makasakay ng jeep.

Nakatulala lang ako. Nabaling lang ang atensyon ko sa aking phone nang muli itong tumunog.

Kaleb:
Are you going to school?

Bahagyang gumaan ang aking pakiramdam ngunit agad rin napalitan ng pait. I wish I can be this happy without feeling guilty.

Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa aking mata.

Ang hirap pumili. Ang sakit sa dibdib. Gusto kong magpakaselfish pero paano siya. Magiging masaya ba ako kapag nakikitang unti unting nawawala lahat sa kanya? I won't, for sure.

Gosh, ang hirap..

To Kaleb:
Yes.

Maiksi kong reply. Just this day. Ngayong araw lang, hahayaan ko ang sarili na maging masaya.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon