Chapter 12

8.6K 196 5
                                    

Nang makita kong umalis na ang kanilang sasakyan ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Ihahatid pa sana ako pero tumanggi ako. Hindi ko kayang manatili sa iisang lugar kasama si Kaleb.

Tignan mo kagabi. Hindi man lang ako nakatulog dahil nasa iisang kwarto kami. Kahit nasa sofa ako tapos nasa kama siya ay hindi pa rin matanggal ang pagkapraning ko.

Masyado ata akong alerto kagabi dahil baka mamaya sinasakal na niya ako. Iyon ang dahilan kaya hindi ako dinalaw ng antok.

Tapos noong umaga naman, maagang umalis si Kaleb para sa meeting niya at hapon ay flight namin pabalik ng Maynila.

Medyo naguilty ako dahil ang laki ng bayad sa akin pero parang wala naman akong trinabaho roon. Iba naman kasi ang gustong ipatrabaho ni Kaleb. Ibang usapan na iyon. Iniisip ko nalang na kabayaran iyon sa mga insulto niya sa akin pero nakakakonsensya pa rin. Bahala na nga.

" Girl, Anong meron sa Cebu at mukhang blooming ka?"

Tinapunan ko si Clea ng masamang tingin. Nakangisi ito at gumalaw galaw pa ang eyebrows nito na parang may ibang pinapahiwatag. At syempre dahil parehas kami ng takbo ng utak alam ko na agad iyon.

" Tanga, nakakaganda lang tubig roon."

Tsaka parang nagbeauty rest lang ako roon. Maliban nalang sa ilang beses akong nangigil kay Kaleb. Nakakastress iyon.

"Ay akala ko nadiligan." tumawa ito ng malakas. Hindi ko mapigilang ihambalos sa kanya iyong hawak kong duffel bag.

Pumasok na ako sa loob at binagsak ang sarili sa sofa. Antok at pagod talaga ako. Hindi rin naman ako nakatulog sa flight dahil kada pikit ko naaalala ko iyong nangyari sa toilet noong papunta palang kami.

"Ang aga mo ah."

Naramdaman ko ang pagupo niya sa sofa. Tuluyan na akong nakapikit.

"Ewan ko doon."

Kaya dito muna ako dumiretsyo bago umuwi bukas. Ang alam pa kasi nina nanay ay bukas ng umaga o hapon ang uwi. Baka matagalang paliwanag na naman ang kailangan kong gawin. Masyado akong pagod para doon.

Hindi na ako kinulit ni Clea. Naramdaman niya siguro na antok ako kaya hinayaan niya lang ako. Pagkagising ko ng mga nine o'clock ng gabi ay wala na siya. May trabaho siguro.

"Hello Nay. Kumusta po? Si Lia kumusta? "

Lagi akong tumatawag sa kanila kada hapon upang manghingi ng update. Nakakapraning kasi. Maayos ngayon pero kinabukasan may nangyaring masama. Nakakapraning tuloy.

" Maayos naman pero si Lia nagsusuka at nanghihina ngayon. "

Natigil ako sa paglalagay ng tubig sa aking baso. Kinuha ko ang aking phone na nakalapag sa mesa at tinutok sa tainga bago naglakad papunta sa malapit na bintana.

Dumaan ang sakit at lungkot sa aking dibdib para sa aking kapatid.

" Katatapos lang kasi ng chemotherapy kanina. Sabi naman ng doctor ay normal lang daw iyon na reaksyon ng katawan."

Kinagat ko ang labi ko dahil sa lungkot sa boses ni nanay. Hindi ako sanay.

"Nay, gagaling din si Lia."

Natapos ang tawag ay mabigat pa rin ang aking pakiramdam.

Kinabukasan, maaga akong umalis ng apartment ni Clea. Tulog na tulog pa ito ng iwan ko. Hindi ko rin napansin ang pag-uwi niya kagabi dahil siguro napasarap ako ng tulog.

Dumiretsyo agad ako sa grocery store upang mamalengke. Dahil medyo may laman ang bank account ko ay nakapaggrocery ako ng medyo madami

" Maraming salamat po." sabi ko sa driver ng tricycle bago inabot ang bayad.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon