Muling nabuhay ang kaba sa aking dibdib nang namataan si Kaleb na naglalakad kasama ang isang matandang lalaki na hula ko ay si Mr. Dee. Mukhang tapos na ata ang meeting nila. Seryoso si Kaleb samantalang ang kasama na matanda ay abot langit ang ngiti. Paminsan minsang tango lang ang iginagawad sa matanda.
Tumayo na si Kuya Andres kaya ganoon din ako. Dumiretsyo kami kina Kaleb na naglalakad papunta sa pintuan.
" Why don't you ask my daughter to be your date tonight?" masayang suhesyon ni Mr. Dee nang makalapit kami.
Nakasunod lang kami sa kanila habang palabas kami ng building.
Humalakhak pa si Mr. Dee. Mukhang natutuwa na nagkaroon ng pagkakataon na ireto ang anak kay Kaleb. Hindi naman na bago ito sa aking paningin ko. Ilang beses na akong nakasaksi ng mga businessman na lantarang ireto ang anak sa kanya. Kaleb would just shrugged it off o kaya naman tatanggi ng maayos kaya naman nagulat ako ng hindi tumanggi si Kaleb.
"I'll try to ask her."
Nabaling ang tingin ko kay Kaleb. Seryoso ito at walang bahid na pagbibiro.
"May problema po ba?" tumingin ako sa banda ni Kuya Andres dahil sa kanyang tanong.
Agad akong umiling.
"Bakit?"
"Mukhang galit po kasi kayo."
"Huh?"
Taka kong tanong. Bigla tuloy akong naconscious sa facial expression ko.
"Hindi naman ah." kunot kong sabi.
Hindi na niya ako sinagot nang matigil kami sa paglalakad dahil sa pagtigil ng aming sinusundan. Nasa labas na kami ng hotel.
Pumarada ang sasakyan sa harapan namin. Hinarap ni Mr. Dee si Kaleb at nakangiting naglahad ng kamay.
" I expect to see you and my daughter in tonight's party." natutuwang sabi nito.
Inabot ni Kaleb ang nakalahad na kamay nito.
"I'll see you later, Mr. Dee."
Kaleb shakes his hand firmly. Ngumiti at nagpaalam si Mr. Dee bago naglakad papalapit sa kanyang sasakyan.
Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay. Sa hindi malamang kadahilanan ay naiinis ako.
Dahil ba may date ito? Pakialam ko ba. Kahit ilan pang babae ang idate niya hindi dapat ako mainis. Isa lang naman ako tagapagpainit ng kama niya at kayang kaya niyang itapon kapag nagsawa.
Maganda nga iyong maghanap o magdate siya ng maraming babae ng sa ganoon ay magsawa na siya at makaalis na ako dito.
Inirapan ko si Kaleb nang magtama ang mata namin. Huli na ng marealize ang nagawa. Gusto kong tumalikod at umalis nalang.
Ramdam ko nag pagiinit ng mukha ko. I swear, baka namumula na ako ng sobra. Kalma. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso na kahit medyo maingay sa aming kinatatayuan ay naririnig ko ang bawat pintig.
Yumuko ako upang itago ang pamumula at kaba. Bakit ang hilig kong ipahamak ang sarili ko?
Hindi ko naman sinasadyang irapan siya. Kung hindi ba naman kasi siya tumingin sa akin ay hindi niya nakita ang irap ko.
Nakatingin lamang ako sa suot kong heels hanggang sa nakita ko ang paggalaw ng paa ng dalawang kasama. Kahit ayaw man ng aking paa na gumalaw ay wala naman akong choice.
Sumunod ako sa kanila. Nauna ng pumasok sa front seat si Kuya Andres. Sana binilisan ko para doon nalang ako.
Nabaling ang tingin ko sa pintuan na pinasukan ni Kaleb. Hindi ko alam kong paano ako aakto. It's either magsorry ako or pabayaan nalang. Hindi mangyayari ang pagsosorry ko kaya baka pabayaan ko nalang.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...