Chapter 30

10K 215 8
                                    

Hindi ko maitago ang ngisi ng wala pang limang minuto ay lumabas na si Lana sa office ni Kaleb. Nang magtama ang tingin namin ay agad rin akong nagseryoso. Naging madalas ang pagbisita niya kay Kaleb simula ng bumisita siya kasama ang step mom ni Kaleb. Tatlong araw na siyang pabalik balik dito at sa bawat pagbisita niya ay hindi rin siya nagtatagal.

Masungit niya akong tinignan. Masungit din naman ang tingin niya sa akin kanina pero ngayon ay kakaiba. Mukhang hindi siya good mood. Laging ganoon paglabas niya ng office ni Kaleb.

Ang sama ko siguro dahil hindi ko maiwasang maging masaya. Kapag nakikita ko iyong badtrip niyang mukha ay pakiramdam ko nakakaganti ako.

" Ingat po kayo." masaya kong bati nang dumaan siya sa harapan ko. Inirapan niya ako at maasim ang mukhang naglakad patungo sa elevator.

Imbes na mainis sa kanyang irap ay parang natuwa pa ako dahil kita ko ang pagkabadtrip niya.

Wala pang isang oras simula ng umalis si Lana ay muling bumukas ang pintuan sa office ni Kaleb. Umayos ako ng upo. Lumabas roon si Kaleb habang hawak hawak ang phone sa kanyang tainga. Seryosong nagtama ang mata niya sa akin. Napatayo ako dahil roon. Tumigil siya sa aking harapan habang may katawagan.

"I'm working. I can't entertain her."

Parang alam agad ng utak ko kong sino ang tinutukoy niya. Lana?

"Okay Tita, pupunta ako." matigas niyang sabi bago binaba ang phone at binalingan ako.

" I will not be here for lunch." sabi niya habang nakatingin sa akin.

Tumango ako. Nagtagal pa ang tingin niya sa akin.

"Okay." maikli kong sabi dahil parang hindi sapat ang tango ko.

"Okay! I ordered lunch. Sorry I can't join  you. I'll go. " paalam niya.

Pupuntahan niya si Lana? Naiimagine ko na ang ngiti ni Lana at parang gusto kong habulin si Kaleb at sabihin na huwag nalang siyang puntahan.

Nababaliw na yata ako. Kung ano anong iniisip ko. Wala naman akong karapatan na pagbawalan si Kaleb. Kahit naman sabihin kong bumabait na siya sa akin hindi pa rin sapat iyon.

Bumalik na ako sa trabaho. Namalayan ko na lunch na pala ng dumating ang pagkain na order ni Kaleb. Napatitig ako roon.

Dapat tigilan ko na ang pagmimisinterpret sa ibang gesture niya. Sobrang sanay na ata ako sa kasungitan niya kaya ngayong medyo nagiging mabait na siya sa akin ay mukhang namimisinterpret ko pa ata iyon.

Kumirot ang puso ko.

Kinuha ko na ang paper bag at nilabas ang pagkain roon na pangdalawahan.  Simula ng magshare kami sa baon ko ay sabay na kaming kumakain tuwing lunch. Ngayon lang siya hindi. Ang dami. Hindi ko ito mauubos. May dala pa akong ulam dahil naging instant favorite na ni Kaleb ang mga luto kong ulam. Kahit antok tuloy ako ay inaagahan kong gumising para lang magluto.

Sa dami ay pinunta ko nalang sa ibang empleyado ang ibang pagkain. Sayang naman. Natigil ako sa pagsubo ng mamataan ko si Kaleb na papalapit sa akin.

Nanlaki ang mata ko. Akala ko hindi siya rito. Nabulunan ako sa kanin. Mabuti nalang at katabi ko ang tubig kaya agad ko iyong nainom. Natapon pa iyon sa aking blouse kaya ramdam ko ang panlalamig. Shit.

"Okay ka lang."

"O-okay lang." binaba ko ang tubig.

"Akala ko hindi ka dito maglulunch kaya binigay ko sa iba iyong mga pagkain."

Tuluyan na siyang nakalapit sa aking table. Inabot niya sa akin ang table napkin. Agad ko iyong inabot at pinunas sa basang blouse. Shit naman. Wala akong pampalit. Kita pa ang bra ko sa loob. Nakalimutan kong magsando kaya naman kitang kita agad ang bra ko.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon