Sa kabila ng patuloy kong pagtataboy sa kanya ay hindi ito natinag. Araw araw ang kanyang pagbisita kahit parang hangin ko lang siya kong ituring. Napagod na ako sa pagtataboy sa kanya. I let him be. Ngunit hindi ko ibinigay ang kanyang kagustuhan. Nanatili akong matigas.
Kababa ko palang ng hagdan ay tumambad agad sa akin si Kaleb. Kaswal ang suot at nakaupo sa sofa taliwas sa lagi niyang laging suot sa opisina. Halos magiisang linggo na siya rito. Naisip ko kung sino ang namamahala sa kanyang kompanya. Ilang beses ko na siyang tinaboy at pinapabalik sa Manila. Bahala siya.
Hawak nito ang librong nabili ko patungkol sa pagbubuntis. Nang mapansin niya ako ay agad niyang binaba iyon at tumayo.
Humakbang na ito papalapit sa akin. Ngunit bago pa man siya makalapit ay lumiko na ako papunta sa kusina.
Naramdaman ko ang kanyang pagsunod.
"Good morning." he said.
Hindi ko siya pinansin. Binuksan ko ang refrigerator upang kumuha ng gatas. Tumambad sa akin ang pasta roon. Nanuot agad sa aking pang-amoy. Bigla akong nasusuka. I covered my mouth to prevent myself from puking. Mabilis akong lumapit sa sink at doon sumuka.
" You okay?"
Abala ako sa pagsuka. Naramdaman ko ang marahan niyang haplos sa aking likod. Gusto kong alisin ang kanyang kamay niya roon ngunit masyado akong abala sa pagsuka.
Inabot niya sa akin ang baso ng tubig. Kinuha ko iyon. Ramdam ko ang kanyang titig sa akin.
"Feel better?"
Tumango ako at nilapag sa sink ang baso.
"I heard from Sofie that it's your second prenatal check up today. Can I come?"
Nakatitig ito sa akin. I don't know if it's just me but I feel like he's nervous.
Ayaw kong ipagkait sa kanya ang karapatan niya bilang ama. Matagal ko ng napagisipan sa gitna ng aking pagkatulala na hahayaan ko siyang naging parte sa buhay ng anak ko. Ngunit hanggang doon nalang iyon. I don't think if I still want him. Nangunguna ang takot sa akin. Paano kapag bigla nalang siyang umalis? o iwanan ako? Pakiramdam ko hindi ko na iyon kakayanin.
"Okay." mahina kong sabi.
Ngumiti ito na parang batang nabigyan ng candy. I felt his excitement as he moved around the kitchen.
"Anong gusto mong kainin?" tanong niya.
I arched my brows. Muli na namang napuno ang cabinet. Doon ko lang din napansin ang mga ecobag ng grocery items na nakalapag sa sahig. Alam ko na agad na siya ulit iyon. Laging puno ang aming stock dahil halos araw araw ay may dinadalang pagkain si Kaleb.
Matapos kumain ay naligo na ako at nagpalit. Kita na ang aking baby bump ngunit hindi masyadong nahahalata kapag maluwag ang suot.
Sumimangot ako nang medyo naging fit na sa akin ang medyo maluwag kong shirt. I'm already gaining weight. Hindi naman ako nagrereklamo ngunit kapag nagpatuloy ito ay baka mawalan na ako ng isusuot.
Tahimik ako sa loob ng sasakyan. Minsan lang umiimik kapag tinatanong ni Kaleb. Mariin akong nakatitig sa labas.
Parang may kumurot sa aking puso nang maisip na baka wala dito si Kaleb kapag hindi niya nalaman ang kalagayan ko. Is he staying because of pity? He's just guilty?
Hindi na ako nagtaka pa kung paano niya nalaman. Hindi naman ako nagtago. He have all the resources.
Akala ko pinaimbestigahan niya ngunit sa mismong araw ng pagkikita namin ay tumawag si Clea sa akin. Apparently, she got mad at Kaleb when they saw each other at the bar. Lasing si Clea kaya hindi na nakapagpigil ang kanyang bunganga at nasabi lahat.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...