Ilang beses kong pinangako sa sarili na kahit anong mangyari, hindi ko hahayaan kontrolin niya ako. Sumusobra na siya. Nakakagalit man ay pinalampas ko ang pagtanggal at pagban niya sa akin sa trabaho...pero ngayon hindi ko ata kayang magtimpi kung pati bahay namin ay idadamay.
Sobrang bigat ng damdamin ko habang paulit ulit na binabasa ang laman ng letter. Ano pa bang kaya niyang gawin? Baka sa susunod pamilya ko naman.
Kita ko ang pagbagsak ng aking luha sa papel na hawak. Sa sobrang inis, nilukot ko iyon at tinapon sa basurahan.
Naupo nalang ako sa kama dahil baka kung ano pa ang masipa ko dahil sa inis at galit.
Umangat ang ulo ko mula sa pagkakalumbaba nang pumasok si nanay. Mabilis kong pinalis ang luha sa aking pisngi. Parang kumurot sa puso ko na makita ang lungkot sa kanyang mukha. Ngumiti ito pero halatang pilit.
"Anak, pasensya ka na ha? Kailangan nating maghirap ng ganito."
Mabilis akong umiling. Wala naman siyang kasalanan. Hindi dapat siya nagsosorry. Biktima rin lang kami. Favorite ata kami ng kamalasan kaya sunod sunod ang problema namin tapos nagpadala pa ng isang Kaleb Del Prado.
" Nay, wala ka namang kasa-salanan eh."
"Nag-aaral ka sana ngayon. Hindi iyong ganito, namomroblema." dagdag pa niya kaya muli namang bumuhos ang aking luha.
" Bukas hahanap nalang ako ng murang apartment na pwede nating paglipatan."
Agad akong naalarma. Walang lilipat. Hindi ako papayag.
" Nay hindi... Hindi tayo aalis. Kakausapin ko ang bangko. " matigas kong sabi.
Noong gabing iyon, nakapagdesisyon na ako. Pagbibigyan ko siya. Hahayaan ko siyang maghiganti sa akin hanggang sa magsawa siya at tantanan ako. Huwag niya lang idadamay ang aking pamilya.
Parusahan niya ako sa kahit anong paraan na gusto niya.Tinext ko ang numero na nakuha mula sa banko. Wala pang ilang minuto nakatanggap na ako ng reply na parang bang ineexpect na niya ang text. Tangina niya.
From Kaleb:
Club Spade, 7pm tomorrowHumigpit ang hawak ko sa phone at ginulo ang buhok. Nagawa ko na. Wala ng atrasan ito. Maikli ang mensahe niya. Hindi na ako nag abalang replayan siya.
Sa gabing iyon, hindi ko akalaing makakatulog pa ako ng mahimbing. Magtatanghali na ng magising ako. Sabado ngayon kaya nandoon ang dalawa pang kapatid.
Pagkatapos kumain ay naupo na ako sa sala kasama ang mga kapatid. Nakatutok ang kanilang mata sa pinapanood na noon time show habang ako ay lumilipad ang isip.
Kanina ko pa iniisip kung ano bang mangyayari mamaya. May ideya na ako dahil sa pag escort ko sa kanya ay ilang beses na niya ako inutusan na gawin iyon.
"Ano ito?" kinuha ko ang papel na nakalapag sa center table.
Binasa ko iyon at isang letter para sa fieldtrip.
"Ah, wala po iyan Ate." sabi ni Brix at kinuha agad.
"Hindi ba kayo sasama diyan?" agad kong tanong. Kahit marami kaming problema ngayon, gusto ko pa ring magenjoy sila bilang estudyante.
Umiling ito.
"Hindi na po."
Naawa ako sa mga kapatid. Alam ko agad na kahit gustuhin man nilang sumama pero dahil kapos kami sa pera ay hindi nalang.
"Magkano ba babayaran niyo dito?" tanong ko.
"2500 daw po pero huwag na lang Ate. Ang laki eh, dagdag na lang iyan sa pampagamot ni Lia."
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...