Chapter 6

8.7K 200 7
                                    

Hindi ako pinatulog ng nangyari kanina. Ilang beses akong nagpaikot ikot sa kama. Kung ano anung bagay ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kong alin ba ang tama.

Bumundol ang kaba sa aking dibdib tuwing naiisip na baka ginamit ako ng babaeng iyon. Isang milyon ang ibinigay sa aking na parang barya lang at aakitin ko lang si Kaleb? Parang may mali.

Muling nagpaulit ulit ang sinabi ni Kaleb kanina. Anong larawan? Wala akong kinukuhang larawan.

Napaupo ako mula sa pagkakahiga. Nanlaki ang mata dahil sa napagtanto? Kinuhanan ba ako nang palihim ng babaeng iyon ang halikan namin ni Kaleb at ipinadala sa kanyang magulang?

Baka nga. Nanlamig ako. Mas lalo akong kinabahan at natakot. Tangina. Hindi ganito dapat. Ano ba itong pinasok ko?

Naiiyak na ako sa sobrang takot at kaba. Takot para sa sarili at pamilya. Paano kapag totoo itong iniisip ko?

Pakiramdam ko ay hindi ako nakatulog buong gabi. Sa dami ng iniisip ay hindi na ako dinalaw ng antok.

"Sofie, Brix. Aalis na si Ate." paalam ko sa dalawa. Abala sila sa paggawa ng kanilang assignment.

"Sige po Ate." kumaway si Brix.

"Ingat po."

Bumisita muna ako sa hospital kasi ngayon ang discharge ni Lia. Kaya lang tuloy tuloy pa rin ang gamutan.

"Nay, pahinga po muna kayo." sabi ko. Halata sa mukha nito ang pagod at puyat. Dumaan ang kaunting sakit sa aking puso.

Ayaw ko ng ganito. Parang bumabalik ang alaala ng si Tatay pa ang nasa hospital.

"  Nandiyan ka na pala. Idlip lang ako gisingin mo nalang ako kapag aalis ka na." pagod nitong sabi bago nahiga sa katabing kama na walang laman.

Tulog na tulog rin si Lia. Ang sabi ni nanay kagabi nang tumawag ako, pagod at nanghihina ang katawan niya dahil sa chemotherapy. Naninibago pa kasi.

Magdidilim na ng umalis ako sa hospital para sa trabaho. Muli akong kinabahan at natakot. Takot at kabado na baka totoo ang hinala ko.... na baka totoo iyong banta ni Kaleb kahapon.

Kalalabas ko lang ng locker area ay sinalubong na agad ako ni Sir Pam. Kunot noo siyang lumapit sa akin.

"Good evening, Sir Pam." bati ko.

"Good evening."

"Pasensya na po sa nangyari kahapon."

Hindi pa ako nakahingi ng maayos  sa nangyari. Masyado akong nagulantang kaya hindi na ako makapag-isip ng maayos.

"I don't know what's happening here pero pinapatawag ka ni Sir Paul." may pag-aalinlangan at awa sa kanyang boses.

Sinubukan kong maging positibo kahit na ang lakas ng kabog ng puso ko dahil sa kung anong pwedeng mangyari.

"Okay po Sir." sabi ko bago tuluyang umalis at pumunta sa office ni Sir Paul.

Kabado akong kumatok.

"Come in." narinig ko galing sa loob.

Nandito ba si Kaleb? Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Medyo nakahinga ako ng maluwag nang wala siya roon. Nakaupo si sir Paul at abala sa papeles sa kanyang harapan.

Nag-angat lang siya ng tingin nang mapansin ng presensiya ko.

"Upo ka." nakangiti niyang sabi.

Light naman ang mood pero hindi ko magawang maging kalamado. Nagwawala ang buong sistema ko sa pag-kung anong dahilan kung bakit ako pinatawag.

Naupo ako sa sofa. Tumayo naman  siya sa kanyang table at lumapit na sa akin.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon