Sinaway ko ang sarili sa pagtitig sa tulog na tulog na Kaleb. Sa unang pagkakataon, naabutan ko siya sa aking tabi matapos may mangyari sa amin. Ilang beses na kaming nagsex at ilang beses na din akong nagising sa kama na mag isa. Minsan sa sobrang pagod nakakatulog kaming dalawa pero paggising ko ay wala na siya sa tabi ko.
Gusto ko rin naman iyon. Hindi ko alam kong paano ako aakto kapag nagising ako sa tabi niya. Kaya naman ngayon, nagpapanic na ang buong sistema ko.
Nakadagan ang kanyang braso sa akin pati ang kanyang hita. We never cuddle... ngayon lang. Kaya halos sasabog na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok.
Ilang minutong nagtagal ang titig ko sa kanyang mukha. Walang bakas ng kasungitan. Ang amo tuloy niyang tignan. Hindi ko mapigilang ngumiti pero agad ko ring inalis.
"Ngiti ngiti ka pa, Nylah."
Inirapan ko ang aking sarili. Dahan dahan kong tinaas ang kanyang kamay upang makawala sa kanyang hawak. Baka nagtagal pa ako rito ay kung ano ng magawa ng kamay ko. Baka tuluyan ng yumakap pabalik. Sabi ko nga... marupok ako pagdating sa kanyang halik, yakap at titig pero hindi pa rin maaalis ang pagkainis ko sa kanya tuwing nagsusungit. Mabuti nalang at mataas ang pasahod sa akin kaya medyo pinagbibigyan ko. Nagulat nga ako at parang triple pa ang sahod ko kumpara sa dapat sahod ng sekretarya.
Naisip ko tuloy na baka bayad ko iyon sa gabi gabing serbisyo ko sa kanya.
Bago ko pa tuluyang matanggal ang kanyang braso na nakadagan sa aking dibdib ay gumalaw na ito. Mabilis akong pumikit.. Mahirap ng maabutan niya akong gising. Hindi ko alam kong anong sasabihin. Salamat sa sarap nalang kung sakali.
Literal na tumigas ang aking katawan ng mas lalo akong hinila ng kanyang kamay papalapit sa kanya. Sumiksik ito lalo sa akin. Ang kanyang mukha ay siniksik niya sa aking leeg. Sa sobrang lapit niya sa akin baka marinig pa niya ang tibok ng puso ko na kanina pa palakas ng palakas...
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili na magmura nang maramdaman ang kanya sa aking hita dahil sa mas lalo niyang paglapit. Wala siyang saplot. Ni hindi man lang nag boxer habang ako ay nakapanty lang. Wala pa akong maalala na ako ang nasuot sa akin nun.
Namula ang pisngi ko nang marealize na siya ang nagsuot sa akin nun. Nylah, huwag ka nang pavirgin. Akala mo naman hindi niya natikman lahat ng sulok ng aking katawan.
Hindi ako makagalaw sa takot na baka magising siya o magising ang tulog na tulog na kanyang alaga. Dumilat ako at tumitig nalang sa kisame pero kalaunan ay nakatulog din.
Sa muling pagdilat, kita ko ang sinag ng araw na nakapasok sa loob ng kwarto. Wala na din ang aking katabi. Mabuti nalang...
Tumayo na ako at nagstretching muna. Nakataas ang parehong kamay bago yumuko upang mastretch ang aking hita at baywang. Hindi na ako nag abalang mag t-shirt. Kita ko tuloy ang aking dibdib sa pagyuko.
Umayos ako ng tayo nang mapansin ang mga kissmarks na iniwan ni Kaleb roon. Walang hiya talaga ang lalaking iyon. Ilang beses ko siyang pinaalalahanan na huwag akong bigyan ng hickeys pero bampira ata ang isang iyon.
Kita ko ang aking repleksyon sa salamin hindi kalayuan sa akin. Tanging panty lang ang suot ko at medyo magulo pa ang aking buhok. Hindi natanggal ang mata ko roon. Halatang halata sa itsura ko katatapos lang madiligan.
Lumipad ang tingin ko mula sa salamin papunta sa kabubukas na pinto ng banyo. Agad nanlaki ang mata ko at nagpanic ang buong sistema nang lumabas roon si Kaleb. Bakit nandiyan siya? Bakit diyan sa naliligo?
Traydor ang mga mata ko ng bumaba ito upang pagmasdan ang kanyang katawan. Shit ka, Nylah. Bakit mo binaba ang mata mo? Hindi ko tuloy matanggal.
Tanging puting towel lang ang nakapulupot sa kanyang ibaba na parang malapit ng mahulog. Ang kanyang katawan na ay medyo basa pa. At ang bunganga ko malapit ng bumuka at sabihin na ako nalang magpunas sa kanya. Ang lantod.
Ibinalik ko ang aking tingin sa kanyang mukha pero agad kong tinakpan ang aking dibdib ng mapansin ang mariin niyang pagtitig roon. Nagtaas ito ng kilay at tumaas ang gilid ng kanyang labi. He looks amused.
Agad akong nag-iwas ng tingin.
"Really, Nylah. Natikman at nahawakan ko na iyan." mapaglaro niyang sabi. Nagsalubong ang kilay ko at inis siyang tinignan.
Hindi pa rin natanggal ang kanyang ngisi. Mas lalo tuloy siyang naging hot at pogi sa paningin ko. Inirapan ko siya bago tinalikuran.
Kinuha ko ang damit na pampalit at naglakad patungo sa banyo. Hawak hawak sa paraan na natatakpan ang aking dibdib. Hindi pa rin umalis roon si Kaleb at hindi natanggal ang kanyang mapaglarong ngisi.
Muli ko siyang inirapan nang dumaan ako sa kanyang harap. Bakit ba kasi dito siya naligo?
Pagkapasok ko ng banyo ay halos tumili ako sa sobrang inis sa sarili.
Tinagalan ko ang pagligo. Nagbabad pa ako sa bathtub para lang tumagal sa loob sa takot na maabutan pa rin si Kaleb sa labas.Nang makalabas ay wala na roon si Kaleb. Salamat naman. Hindi ko pa naman matagalan ang mapaglaro niyang tingin. Mas gugustuhin ko pang magtitigan kami ng seryoso niyang mukha kaysa sa nakangisi ito.
Tinignan ko ang oras at malapit ng mag seven. Mabilis akong nagbihis ng formal na damit. May breakfast meeting pa si Kaleb mamayang 7:30 sa isang investor ng kanilang kompanya na nakabase dito sa Cebu sa resto sa baba.
I texted Kaleb to remind him about his schedule. Alam ko namang sa ulo nito ang kanyang mga schedule pero inupdate ko pa rin dahil iyon ang trabaho ko.
Binitbit ko ang dalang blazer bago naglakad papunta sa pintuan. Hindi ko pa tuluyang nabubuksan ang pintuan ay natigil agad ako.
Sa aking harapan ay si Kaleb kasama ang isang babae. Lumipad ang tingin ko sa babae at agad nanlaki ang mata ko nang mamukhaan ito. The girl in the waiting shed. The scene felt familiar.
" Calla, stop it. Our engagement was called off....matagal na kaya pwede ba? ."
Nakumpirma ko na siya nga ang babaeng iyon dahil sa narinig na pangalan. Hindi dapat ako nakikinig pa dito. Kanina ko na dapat sinara ang pinto pero natigilan ako.
"Because of you." sigaw ng babae.
Parang may sumuntok sa puso ko dahil sa sinabi ng babae. Ako ang dahilan nun. It's because of me. Muli na naman nilukob ng guilt ang aking puso.
Seryoso at galit ang mukha ni Kaleb.
I was about to close the door but I stopped." No, Alam mo sa sarili mo na ikaw ang dahilan." matigas na sabi ni Kaleb. Kontrolado ang kanyang boses pero ramdam ko ang galit roon.
Tuluyan akong nanigas at namutla nang magtama ang tingin namin ni Kaleb. Agad din itong umiwas at naglakad paalis. Tinawag siya ng babae at hinabol. Nagtama pa ang tingin namin ng babae. Masama ang kanyang tingin sa akin bago patakbong umalis.
Abot abot ang tibok ng aking puso na parang bang nahuli na may ginagawang masama.
Umiral na naman ang pagiging chismosa sa aking katawan... ayan tuloy..
Kinalma ko ang sarili pero hindi pa rin matanggal ang aking kaba. Naalala ko ang titig ni Kaleb... para nito akong sinisisi. Hindi naman ako magrereklamo dahil sa totoo lang ako ang may kagagawan nito. Hindi ko lang alam kong anong ibig sabihin ni Kaleb sa huli niyang sinabi.
Kabado akong bumaba. Nilibot ng aking mata ang loob ng resto. Alam ko namang private room ang breakfast meeting ni Kaleb pero umaasa pa rin ako na makita siya. Si Kuya Andres ang nakita ko na nakaupo hindi kalayuan mula sa entrance ng resto. Nilapitan ko si Kuya Andres.
"Good morning! Si Sir Kaleb." tanong ko agad kahit hindi pa nakakaupo ng maayos.
"Good morning ma'am. Kasama na po si Mr. Dee."
Medyo nakahinga ako ng maluwag pero nandoon pa rin ang kaba sa aking dibdib.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...