"This is why I hire you. To be my whore." direstyo niyang sabi habang nakatingin sa akin.
Dumaan ang kirot sa aking puso. Hindi naman talaga ako madalas masaktan sa insulto ng mga tao sa paligid ko pero hindi ko maiwasang masaktan sa lumalabas sa bibig niya. Pakiramdam ko ang baba baba kong tignan.
Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang pagkawala ng aking luha. Una akong umiwas dahil kapag hindi, baka makita niya pa ang pagtulo ng luha ko. Kalma, Nylah.
Huminga ko ng malalim bago muling ibalik ang tingin sa kanya. Ngayon, wala na ang nababadyang luha sa aking mata. Pinantayan ko ang seryoso at malamig niyang tingin. Hindi ikaw ang makapagpababa sa akin.
" Sorry, hindi ako for hire para maging pokpok mo. "
"At kung ginagawa mo ito para maghigante, ngayon pa lang hihingi na ako ng tawad sa nagawa ko. Pasensya na sa nagawa ko. Kung gusto mo ako na ang magpapaliwanag sa jowa mo at sa pamilya mo na walang namamagitan sa atin."
May kasalanan naman talaga ako pero hindi ko basta basta tatanggapin ang mga insulto niya dahil may atraso ako sa kanya. Hindi pwede iyon.
Mas lalong nagseryoso at nanlamig ang kanyang titig. Gumalaw ang panga niya at bigla akong kinabahan.
" Do you think a sorry will fix what you've destroyed?" malamig nitong tanong.
Mas lalo akong kinabahan ng naglakad ito papalapit sa akin. Wala sa sarili akong napaatras. Lalong bumilis ang tibok ng akin puso.
" Hinding hindi. "
Natigil ako sa pag atras nang maramdaman ko ang likod ng aking tuhod sa kama. Wala na akong aatras. Papalapit na siya sa akin. Ang kanyang galit na mata ay parang inuutusan ang katawan ko na huwag gumalaw. Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Gusto kong tumakbo pero nanghihina ang aking tuhod.
" I'll punish you hanggang sa lumuhod ka at magmakaawa."
Tumigil ito sa aking harapan. Natigil ako sa paghinga dahil sa sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin. Bahagya itong yumuko upang magpantay ang aming tingin. Nagwawala ang puso ko. Hindi ko alam kung nagwawala dahil sa takot o kaba dahil sa kanyang paglapit.
" Pa-paano mo ako mapapatawad?" matapang kung tanong kahit halos hindi na ako makagalaw at makahinga sa kinatatayuan.
Ngumisi ito pero nanatiling seryoso ang kanyang mata. Hindi natanggal ang kanyang mata sa akin. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya dahil kapag tumagal pa baka matunaw na ako.
" I'm not sure. I don't forgive. I'll just make your life miserable hanggang sa magsawa ako. Siguro baka tantanan na kita." diin nito.
Natakot ako. Ramdam ko ang panunubig ng aking mata. Kung pagsalitaan niya ako ay parang bagay na walang kwenta sa mundo. Para lang akong laruan na itatapon lang pagkatapos sirain.
" I'm sorry." tanging iyon lamang ang lumabas sa bibig ko.
" Walang kwenta ang sorry mo. You should have known better. Now, you have to deal with the consequences of your action." malamig nitong sabi bago kinuha ang kanyang suit na nakalapag sa kama at tuluyan akong tinalikuran.
Wala na akong magagawa. Wala akong choice kundi harapin ang galit niya.
Sinundan ng mata ko ang kaniyang likod hanggang sa lumabas ito ng hotel room.
Nanghihina akong napaupo sa kama. Tuluyan nang bumuhos ang aking luha pati ang hikbi ay hindi ko napigilan. Sobrang takot at kabado ako para sa sarili at sa pamilya. Kung tinanggalan na niya ako ng trabaho at hinarangan ang pagapply ko ng trabaho noon. Ano pang kaya niyang gawin para sirain ang buhay ko? Hindi ko maimagine. Tanginang buhay ito.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...