Nakatulugan ko ang pag-iyak. Nagising ako na sobrang namumugto ang aking mata. Sobrang bigat ng aking dibdib.Parang may nakadagan. Kahit pilit ko mang ibaon sa likod ng aking isip ang narinig kagabi ay hindi ko magawa. Sobrang laki ng sugat na naiwan nito sa aking dibdib na sa unang pagkakataon naisip kong tumigil na. Ano bang ginagawa ko rito? I'm trying to earn his forgiveness pero mukhang mas lalo ko lang sinasaktan ang aking sarili. Nasasaktan ako dahil itanggi ko man, I still want him back.
Tahimik kong inayos ang aking damit sa maleta. Pinagkasya ko lahat ang damit na pwedeng ilagay. I can't just keep on living here and act like I'm not hurting. Hindi ko kaya.
Tanging ang galaw ko ang naririnig sa buong condo. Masyado pang maaga at sobrang tahimik. Natigilan ako sa harap ng silid ni Kaleb. I was contemplating if I should talk to him. Bahagya akong natulala roon. I don't want to leave him hanging. Dumaan ang sakit sa aking dibdib nang maisip na baka wala na siyang pakialam kahit bigla nalang akong maglaho sa kanyang buhay. Sino ba naman ako sa kanya? Someone he's just fucking for fun? revenge?
Mapait akong tumawa at pinunasan ang lumandas na luha sa aking pisngi. Sa huli , nagdesisyon akong kausapin siya ng masinsinan. I want us to end this setup in agreement. Bahala ng hindi niya ako mapatawad. If I stay here longer, he'll break me into pieces.
Iniwan ko ang aking maleta sa sala. Marami pang natirang gamit rito. Ipapakuha ko nalang siguro. Dumiretsyo ako sa kusina. For the last time, I want to cook for him.
Patapos na ako ay hindi pa rin gising si Kaleb. It's almost 6 in the morning. Maayos kong hinilera ang ulam sa plato. Bahagyang nawala ang atensyon ko roon nang tumunog ang doorbell.
Agad kong tinapos iyon at nagmamadaling binuksan. I was taken aback when I saw who was standing on the other side. Nakangiti ito habang hawak ang isang box ng pagkain ngunit agad napawi nang magtama ang aming tingin.
Kumunot ang noo niya at tinaasan ako ng kilay. Kumurap ako ng maalala na ito ang babae noong nagdaang araw. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, like she was judging my whole existence.
"What are you doing here? You're the whore ex right?" insulto niya.
Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay.
" Anong kailangan mo?" walang gana kong tanong.
"Where's Kaleb?"
"Natutulog."
Hindi niya ako makapaniwalang tinignan. Galit nitong tinulak ang pintuan na hawak ko kaya muntik na akong mabuwal.
Binundol niya pa ako bago tuluyang pumasok sa loob.
"Umalis ka na." nilingon niya ako.
"Dito ako nakatira." I said to piss her off. Naiirita talaga ako sa kanya.
Pagak itong tumawa.
"What? Stop being delusional, you whore. Leave Kaleb alone. " tumaas ang kanyang boses.
Mas lalong kumulo ang aking ulo.
" Paano kapag ayaw ko?" inis kong sabi. Aalis din naman ako. I just want to piss this bitch.
Ngumisi ito. " He'll drop you soon cause we're getting engaged."
Natigilan ako. She's Allison? Nanikip ang aking dibdib. For Kaleb, she's the better option.
" Fuck off whore. He's just fucking you to punish you. Sa tingin mo, babalik pa siya sa iyo? Girl, wake up. Just leave. "
Kumuyom ang aking kamay. Alam niya? Close ba sila ni Kaleb para malaman iyon. Hindi dapat akong magtaka pa. Umayos ako ng tayo at hinarap siya ng mabuti.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...