Chapter 27

8.9K 188 10
                                    

"Is your wound still hurting?" tanong niya ng nasa lobby na ako. Dala dala ko na ang aking gamit dahil nakapagcheck out na kami at paalis na.

"Uhmm, okay lang." sabi ko kahit sa totoo lang ay ramdam ko pa rin ang hapdi roon. Hindi pa nakatulong ang masakit na hita at gitna.

Nanigas ako ng magtama ng aming kamay nang kinuha niya ang hawak kong maleta.

"Hi-hindi na."

Hinila ko pabalik ang aking maleta pero wala akong laban sa kanyang lakas.

"Let me hold it. I know your sore."

Nanlaki ang mata ko dahil sa kanyang bulgar na salita. Hindi ko alam kong anong tinutukoy niya. Iyong kalmot ba sa braso ko o iyong hita at gitna ko. Pakiramdam ko sobrang namumula na ako. Feeling virgin, Nylah.

Bago pa ako muling makatanggi ay tumalikod na ito at naunang naglakad palabas ng hotel. Nakatayo ako roon ng ilang minuto bago naglakad para sundan siya.

Magkatabi kami sa likod ng sasakyan. Kahit may espasyo sa aming gitna ay pakiramdam ko ang lapit pa rin namin. Hindi ko magawang magrelax o kay matulog kahit ramdam ko ang antok at pagod. Masyadong abala ang aking utak sa pag-iisip sa lalaking nasa side ko.

Nakatingin ako sa labas ng bintana hanggang sa nakarating kami sa airport.

Ramdam ko ang paminsan minsan niyang sulyap. Gusto kong pagalitan ang sarili nang magtama ang aming mata. Agad rin akong nag-iwas at ibinalik ang mata sa aking phone.

Naramdaman ko ang paglapit niya. Muling nagpanic ang buong sistema ko. Shit. Shit.. Anong gagawin ko?

"A-ano?" kabado kong tanong.

"Are you hungry?" mas lalo akong kinabahan sa kanyang tanong.

"Hi-hindi." maikli kong sagot. Ang ikli na nga nauutal pa ako. Tangina.

"Okay."

Muli na naman kaming natahimik pero hindi siya umalis sa aking tabi. Hanggang sa makasakay kami sa eroplano. Paminsan minsan ay tinatanong niya ako at maiikling sagot lang ang nasasabi ko. Ang masaklap nauutal pa. Halatang halata ang kaba ko.

" What do you want?" baling niya sa akin ng tanungin siya ng flight attendant kung may gusto ba siya.

Bumaling ako sa kanya.

"Wala o-okay lang."

Tumango ito bago bumaling sa flight attendant. May sinabi siya roon na order. Hindi ko lang nakuha dahil mukhang french ata.

Umalis na ang flight attendant at muli na naman kaming natahimik.  Nang makabalik na ang flight attendant ay may dala dala na siyang pagkain.

"Eat." utos niya.

Hindi na ako nagreklamo pa dahil gutom talaga ako. Wala akong ganang kumain kaninang umaga. Tapos ngayon sobrang ramdam ko ang gutom.

"Thank you." maikli kong sagot.

Matapos kong kumain ay inabala ko ang sarili sa panonood ng movie kahit sa totoo ay hindi naman ako nakapokus roon. Maya maya pa ay pinatay ko nalang at nagdesisyong matulog.

Sa muli kong pagdilat, ang braso agad ni Kaleb ang tumambad sa akin. Amoy na amoy ko ang naghalo niyang mamahaling pabango at natural na amoy  ng kanyang katawan sa sobrang lapit ko sa kanya.

Nagising ang buong sistema ko ng marealize na nakasandal ako sa kanya. Ang aking ulo ay namamahinga sa kanyang balikat. Paano ako napunta sa ganoong ayos?

Mabilis akong umayos ng upo.

"Sorry." agad kong sabi. Nalaglag ang blanket na nakakumot sa akin dahil sa biglaang paggalaw.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon