After our encounter, I couldn't get him out of my mind. Bumalik ako sa umpisa. Ngayon, kailangan ko na namang dumaan sa mahabang proseso upang tanggalin siya sa aking isip. Kung hindi man ay ibaon siya sa pinakalikod ng aking isip.
I hate how I space out every now and then. Ayaw ko na kada pumapasok siya sa aking isip ay bumabalik lahat ng sakit....na bigla nalang tutulo ang aking luha...naninikip ang aking dibdib. Ayaw kong pagdaanan muli iyon.
"Ate!!!"
Nagising ako mula sa pagkakatulala nang may humila sa aking kamay. Shit.. I spaced out again.
"Huh?" nilingon ko ang aking kapatid na kunot noong nakatingin sa akin.
"Sorry. Ano iyon?" agap ko.
" Okay ka lang. Kanina pa kita tinatawag. Nilampasan tuloy tayo ng jeep." reklamo niya.
Gusto kong pagalitan ang sarili. Pati ba naman dito. Ilang beses na akong pinagalitan sa hotel dahil minsan ay nawawala ako sa sarili at nakakagawa ng mali sa trabaho. Even customers are complaining kaya naman nagsick leave muna ako.
After that night, I thought I'm going to see him again. His threat was serious kaya naman hinanda kong muli ang sarili para sa kanyang galit. Ngunit ilang linggo na ang lumipas ay hindi ko na muli siya nasulyapan.
It's a relieve. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang harapin sa susunod.
Dumaan ang kirot sa aking dibdib. Itanggi ko man may parte pa rin sa akin na gusto siyang makita.
" Sorry, maghintay nalang tayo."
This time mas naging attentive na ako. Nakaupo kami sa waiting shed habang naghihintay ng jeep. Katatapos lang ng chemotherapy ni Lia. Sinamahan ko siya ngayon dahil bakante naman ako ngayong week.
Naging maayos ang kalagayan nito ng tatlong taon. Pero noong isang taon lang bigla na naman bumalik. Kaya ngayon, mas kailangan kong magdoble kayod. Lalo't ako nalang ang inaasahan ng aking kapatid. Mabuti nalang at nakapasok ako sa interview bilang cabin crew. I hope makapasa ako.
"Ayan na!"
Nauna ng tumayo si Lia. Unti unti na naman itong pumapayat. Hindi kagaya noong nagdaang taon na malusog pa ito tignan. She's wearing a bonnet to hide her bald head. Nasasaktan ako tuwing naalala ang pag-iyak niya ng kailangan na naman putulin ang kanyang buhok. Ilang taon niya rin iyong pinahaba at inalagaan.
Nakarating agad kami sa bahay dahil malapit lang naman ito sa town. We managed to buy a good house in lot here in Baguio gamit ang pera na pinagbentahan ng bahay namin sa Manila.
I remembered opposing my mother on using that money. Hindi lang iyon bayad sa aming bahay ngunit parang bayad iyon sa akin para layuan si Kaleb. But then, walang wala kami kaya hinayaan ko na. I just swallowed my pride.
Hindi kami magkasundo ni nanay. She's disappointed at me and I'm mad at her. Kaya naman noong bigla siyang nagkasakit ay labis ang aking pagsisi. We've lost years of supposed to be happy memory. Tanging ang kaisipang nagkabati kami bago siya tuluyang nagpaalam ang siyang nagpapaokay sa aking pakiramdam.
Nakahiga ako sa kama at tahimik na nagmuni muni. Kaleb face once again entered my mind. Parang sirang plaka itong nagpaulit ulit sa aking isipan.
Sa ilang taong lumipas, naging malabo na ang kanyang mukha sa aking isipan. Ngayong muli kaming nagkita ay biglang naging klaro ang kanyang itsura. Ang pagkikita namin ang nagrefresh sa aming alalaa.
Tinanggal ko ang nakapatong na kamay sa aking noo at bumaling sa phone ng tumutunog at nakalapag sa aking tabi.
It was Clea. Nang nagManila ako para sa aking interview ay ilang oras lang kaming nagkita dahil may flight din siya ng araw na iyon.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...