Chapter 36

8.1K 173 5
                                    

Pasukan sa sumunod na linggo dahil last week ng enrollment ako nag enroll. Mabuti na lang at hindi pa ganoon kabusy. May oras pa akong makipagdate.

He's busy lately. Mukhang nagkakaproblema ata sa kompanya nila. I tried asking him once pero hindi naman niya ako sinagot ng detalye. Hinayaan ko nalang. Hindi porket ako ang girlfriend ay kailangan alam ko na lahat ang nangyayari sa buhay niya. Kung gusto niyang ipaalam, sige lang.

Pagod at antok ako matapos ang isang subject namin. Hapon kasi kaya mas nakakaantok. Idagdag pa ang mahinhin na boses ng aming professor.

Binuksan ko ang aking phone habang naglalakad papunta sa aming next class. Nasa kabilang building pa iyon kaya medyo malayo ang aming nilakad.

May text si Kaleb roon.

Kaleb: I'll pick you later.

Bumunting hininga ako.

To Kaleb: You should rest. Alam kong sobrang busy mo this past days.

Lagi kong sinasabi sa kanya na  huwag nalang niya akong puntahan kapag pagod siya.

"Nylah, napicturan mo ba iyong assignment sa board kanina." tawag sa akin ni Sheena habang naglalakad kami.

Nag-angat ang tingin ko mula sa aking phone bago tumango.

"Pasend."

"Sige, send ko later."

Nakipagkwentuhan na ako sa aking mga kaklase hanggang sa makarating sa next classroom.

"10 minutes review daw. May quiz mamaya." anunsyo ng aming president.

Ano ba yan? Ang daming narereklamo pero sa huli ay nilabas din nila ang kanilang notebook at nagsimulang nagbasa. Ganoon rin ako.

Tahimik ang buong klase. Mukhang seryoso lahat sa pagrereview. Major subject kasi namin at sobrang strict talaga ng teacher namin. Ang hirap makakopya. Walang nakakatakas sa kanyang mata.

Nagvibrate ang aking phone na nakapatong sa aking upuan.

Kaleb: I maybe tired but I really want to see you.

Ngumuso ako. Hindi kami nagkita kahapon dahil pinilit ko talaga siyang huwag na akong puntahan.

To Kaleb: Fine, see you later.

Bumigay na naman ako.

Natapos ang klase namin na hindi man lang kami sinipot ng aming prof. Pinagreview pa kami. May emergency meeting daw sila.

Maaga tuloy akong nadismiss. Imbes na mamayang 6:30 pa ako ng hapon matatapos ngayon ay 5:30.

Kaleb: I'm sorry. I have an emergency meeting.

To Kaleb: It's okay. Unahin mo iyan.

Naiintindihan ko naman na hindi lagi ako ang kanyang priority. Ayaw ko din namang lagi niya akong gawing number 1 priority niya. May trabaho siya at iyon dapat ang kanyang inuuna. As long as, hindi niya ako kinakalimutang tawagan o itext kahit isang beses sa isang araw.

Napangisi ako ng marealize na mukhang hindi ata darating ang araw na makakalimutan niya akong itext. I hope so. He always text me in the morning, during lunch and even before I sleep.

Pumasok ang tawag niya sa aking phone.

"Hello." masaya kong bungad.

Nagtaka ako nang hindi agad ito sumagot.

"Are you still in class?" ramdam ko ang pagod sa kanyang boses.

Huminga ako ng malalim. He should slow down. Gusto ko iyong sabihin sa kanya. Is he even sleeping? Sa huli naming pagkikita, ay kita ko ang pagod at puyat sa kanyang mata.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon