Chapter 16

9K 203 8
                                    

Warning : SPG

------

Ramdam ko ang matalim niyang titig kahit hindi ako nakatingin sa kanya. Kung nakakamatay lang ang tingin.... kanina pa ako bumulagta rito.

" Pwedeng huwag mo akong titigan?" diretsya kong sabi bago umayos ng upo.

Kumunot ang noo niya at nang magtama ang mata namin agad siyang umiwas. Bumalik ang atensyon niya sa kanyang hawak na alak. Sinundan ng mata ko ang pagtaas baba ng kanyang adams apple nang uminom ito. Hay nako, Nylah.

Ibinalik ko ang aking tingin sa lamesa. Inabot ko na rin doon ang isang hindi pamilyar na inumin. Bigla akong natakam na uminom. Sa sobrang busy ko ata nakalimutan ko na kung kailan ang huling tikim ko ng alak.

Tsaka ayaw ko din munang umuwi. Ang tagal kong nag-ayos tapos uuwi din agad. Kahit hindi ko gusto iyong kasama ko, sayang naman iyong alak tas effort kong mag-ayos.

Napapikit ako ng malasahan ang pait ng alak. Pareho kaming tahimik, siguro masyadong focus sa alak. Tapos di rin naman namin gusto isa't isa.

" Hanggang kailan itong setup natin?" hindi ko mapigilang tanong. Masyado kasing tahimik na halos marinig ko na ang tibok ng puso ko.

Nararamdaman ko na rin ang epekto ng alak. Madaldal pa man din ako kapag lasing.

Nilingon ko siya. Pinapaikot nito ang baso ng alak sa kanyang kamay. Nagtama ang mata namin. Walang sigla ang kanyang mata halatang nakainom.

" Hanggang magsawa ako." malamig niyang sabi.

Nakatingin ito sa mata ko. Kinailangan ko pang umiwas sa kanyang titig. Naiilang ako.

Magsawa? Magsawa sa katawan ko. For sure baka wala pang buwan ay sawa na ito. Alam kong hindi ito malinis pagdating sa babae. Sabi sa nabasa kong article patungkol sa kanya ay babaero daw ito kaya naengage.

Pero... kapag gusto niyang magsawa sa paghihiganti sa akin? Baka matagal pa bago siya tumigil. Base sa obserbasyon ko, mukhang nagtatanim ito ng galit. Tapos malaki pa ang kasalanan ko sa kanya.

Hindi na ako nagsalita. Nagpokus nalang ako sa pag-inom. Nakaisang baso hanggang sa naging ilan hanggang sa nawalan na ako ng bilang.

Nakapalumbaba ako sa table. Medyo ramdam ko na ang antok. Hindi pa naman ako lasing. Mahirap akong malasing.

Muli kong nilingon si Kaleb sa aking tabi. Medyo magkalayo na kami. Syempre, lumayo ako sa kanya. Ang bango niya kasi.... Nylah, lasing kana talaga.

Parang may malalim itong iniisip. Nakahawak kasi sa baso ng alak habang nakatingin sa malayo. Kahit sa side view niya ay gwapo talaga siya. Bet ko nga ang mukha hindi ko naman bet ang ugali..

"Paki-abot noon." sabi ko sabay turo sa isang bottle ng water na nakalapag sa side na hindi ko abot. Mas malapit siya roon at tamad akong tumayo. Naubos kasi iyong tubig sa side ko.

Pinasadahan niya lang ako ng tingin pero hindi ginawa ang inutos ko. Sino ba naman ako kung makautos? Tssk, Aabutin lang hindi man lang magawa. Sobrang tindi talaga ng galit niya sa akin.

Tumayo ako at muntikan na akong mabuwal. Mabuti nalang at nakawak agad ako sa sandalan ng sofa. Hindi pa nakatulong ang mataas kong heels.

Naglakad ako papalapit sa banda niya. Nakaharang ang paa niya at mukhang hindi ata mag-aabalang itabi kahit napansin ako.

Inis akong huminga bago yumuko at abutin iyong bottle ng tubig pero pagtayo ko bigla akong nawalan ng balanse. Natumba ako at buti nalang sa sofa ako bumagsak.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon