** 5 years later
"Sofie, late na akong makakauwi diyan kaya maglock kayo ng pinto."
Inayos ko ang nagusot kong blazer habang hawak hawak ang aking phone.
"Edward, pakibilisan iyan. Importante yan." utos ko sa isang staff ng hotel bago ako naglakad muli.
"Wait lang, Sofie." binaba ko muna ang aking phone.
"Wala pa ba iyong ibang food?"
"Ma'am, pababa na po."
Tumango ako bago naglakad palabas ng event hall. Dumiretsyo ako sa balcony ng hotel kung saan tahimik. Sobrang busy namin ngayon dahil may engrandeng event na magaganap rito. It's a famous politician birthday party kaya naman doble ang paghahanda.
Sumandal ako sa railings at dinama ang malamig na hangin.
"Hello, sofie." muli kong tawag sa kapatid.
"Oo Ate, Anong oras ka uuwi?"
"Hindi ko pa alam."
Matatapos ang event mga bandang 11 siguro ng gabi. Matapos iyon ay mag-aayos pa kami.
"Iyong gamot ni Lia. Uminom na ba?"
"Oo tapos na kanina. Tulog na din siya."
"Oh siya. Matulog ka na din. Kailangan ko ng ibaba. Babalik na ako sa loob dahil magsisimula na ang event."
Binaba ko na ang aking phone. Akmang maglalakad na ako pabalik ay muling tumunog ang aking phone.
Nagtaas ang kilay ko nang makita na si Clea ang tumatawag. Katatawag lang kasi niya kanina.
"Gaga, bakit hindi kita macontact?" malakas niyang sabi kaya naman bahagya kong nilayo ang aking phone.
"Baliw, katawagan ko kasi si Sofie kanina. Bakit ba?"
"Wow, bawal ka na bang tawagan."
I can imagine her rolling her eyes.
"Oh ano nga kasi? Bilis na at may trabaho pa ako."
"Iyon nga, may cabin crew hiring ulit kami.."
Nanlaki ang mata ko.
"Seryoso?" natutuwa kong tanong."Oo nga, Kailan ka magpapass ng application mo? Magpass ka agad para nasa 1st batch ka."
"Aasikasuhin ko na agad bukas ang kailangan." masaya kong sabi.
Unang beses kong nag-apply ay hindi ako nakuha. Hindi ko na iyon sinundan pa. I applied as an assistant manager in a hotel at mabilis naman akong nakuha kaya naman hindi ko na muli inisip pa iyon. Although, I really wanted that job, I needed to be practical. Sobrang kailangan namin ng pera at hindi ko pa kayang iwan ang mga kapatid rito sa Baguio.
Ngayon na medyo nagiging toxic ang aking trabaho ay gusto ko ng umalis. I just needed to pass the interview at kapag training na ay doon ako magreresign.
Lia's conditions is returning again. Kailan ko ng mas malaking sahod. Idagdag pa ang gastusin sa bahay at pampaaral sa mga kapatid.
Bumalik na ako sa loob nang matapos ang tawag. Bahagyang gumaan ang aking pakiramdam. Kanina kasi ay halos hindi na ako mapakali dahil sa kaba.
The party started and everything's running smooth. Doon lang ako nagkaroon ng time magpahinga sa aking office.
"Aya, pakitawag nalang ako kapag may problema." sabi ko isang hotel staff.
May dalawa pa namang assistant manager ang natira kaya nagkaroon ako ng time magbreak.
Sa kitchen ako tumambay at nagpahinga. Kumain na din ako.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomansaHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...