Chapter 40

9.1K 171 11
                                    

Hindi ko alam kung paano ko nagawang maitulak si Kaleb upang makaalis. Tuluyan akong nanghina nang makita ang kanyang sasakyan papalayo sa akin.

Ang sakit ng dibdib ko. Marahan kong pinunasan ang aking luha sa pisngi.
He doesn't want to break up. Paano to? Ni ayaw niyang pakawalan ako kanina.

Mariin ang kanyang pagtutol. Kahit anong pilit ko, para sa kanya kami pa rin. Mas lalong humirap ang pakikipaghiwalay ko sa kanya.

I just hope, he would understand my decision. Na para sa kanya rin ito,, ngunit mukhang desidido pa rin tumuloy.

Nanghihina akong naglakad papunta sa aming bahay. He dropped me off the road. Naginsist pa itong ihatid ako sa bahay ngunit mabilis akong tumanggi. Mas lalo lang magagalit si nanay.

Maaga pa ngunit sarado na ang karenderya sa baba. Biglang lumakas ang kabog ng aking puso. Sa hindi malamang dahilan ay biglang akong kinabahan.

Mabilis akong naglakad paakyat. Tahimik ang bahay. Medyo kumalma lang ako nang makita si Lia na nakatulog sa sofa habang hawak hawak ang kanyang barbie doll.

Ibinaba ko ang aking tote bag bago dumiretsyo sa kusina. Walang tao roon.

Nakarinig ako ng mahinang kabog sa kwarto nina nanay kaya naglakad ako papalapit roon. Bumalik na naman ang aking kaba. Kabado na baka hanggang ngayon ay galit pa rin sa aking si nanay.

"Na-" natigil ako sa akmang pagsasalita nang makita ang nakalatag na maleta sa kama.

May mga nakatuping damit roon. Kunot ang noo ko siyang tinignan. Nalilito kung bakit may siya nageempake.

"Na-nay, Ano ito?" lito kong tanong.

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng kwarto. Hindi niya ako pinansin. Nakatalikod pa rin ito at nag-aayos ng gamit.

"Mag-ayos ka na ng gamit. Iimpake mo lahat." malamig niyang utos.

Natigilan ako. Mas lalong lumakas ang tibok ng aking dibdib nang unti unting nabuo ang kutob sa aking isip.

"Nay, ano ito?" halos maiyak kong sabi.

Mas lalo akong lumapit sa kanya.

"Bakit kayo nag-iimpake?"

Tuluyan ng bumuhos sa aking mata.

" Aalis tayo."

"Saan? At Bakit?"

Nanigas ang aking katawan nang dumapo ang aking mata sa mga papeles na nakalapag sa kama malapit sa nakalatag na maleta.

Bumuhos lalo ang aking luha. Sa gitna ng aking iyak, napagtanto ko kung bakit kami aalis?

Gusto kong magalit kay nanay at sumigaw.

"Nay, binenta mo ang bahay?" agresibo kong tanong.

Ni hindi man lang siya kumonsulta sa akin...

Patuloy ito sa paglalagay ng damit sa maleta.

Pahablot kong kinuha ang papeles. Nanlaki ang mata ko at halos malaglag ang aking panga nang makita ang halaga na naroon. Para sa lumang bahay na nakatirik sa ganitong lokasyon, sobrang laki na ng anim na milyon bilang bayad.

"Bakit ninyo binenta?" lumakas ang aking boses.

" Para makaalis na tayo sa siyudad na ito. Hindi ko gusto ang pinaggawa mo sa sarili mo."

"Ano bang pinaggagawa ko? Maliban sa pagiging escort, wala na akong ibang maling ginawa."

"Hindi ko inagaw si Kaleb kagaya ng sinasabi ng kanyang pamilya. Hindi ko iyon gagawin. " frustrated kong iyak.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon