Warning:Spg
--
"Cancel my lunch with Mr. Zaldua and reschedule my afternoon meeting at 11:30. Remind also the engineering team to finalize their proposal so they could present it to the shareholders in tommorow's meeting."
Nakasunod ako sa kanya habang sinusulat ang kanyang bilin. Baka kasi makalimutan ko na naman kapag minemorya ko lang. Nang may nakalimutan nga akong bilin niya noong unang araw ko palang ay muntikan pa ata akong masisante.
" Noted Sir. "
Pumasok kaming dalawa sa elevator at pinindot ko ang 76th floor. Pareho kaming tahimik hanggang sa tuluyan ng bumukas ang elevator at nauna siyang naglakad paalis. Kung seryoso na siya sa akin noong una ko siyang nameet mas may iseseryoso pa pala ito.
Ang strikto niya sa trabaho. Bawal magkamali kung ayaw mong matanggal.
Nagsitayuan ang ilang mga tao sa cubicle at binati si Kaleb. Hindi nagabala si Kaleb na lingunin sila at direstyo itong naglakad papasok sa kanyang office. Sungit talaga. Kahit tango man lang hindi kayang ibigay.
Pagkaupo ko sa aking table na nakapwesto rin malapit sa office ni Kaleb, agad ko ring inasikaso ang bilin niya. Tinawagan ang dapat tawagan at ininform ang dapat ininform.
Halos mag iisang buwan na ako rito kaya naman medyo sanay na ako sa ginagawa. Hindi lang ako masanay sanay sa kasungitan at kaseryosohan ng Boss ko. Minsan nga kapag may inuutos iniisip ko pinapahirapan lang ako.
"What are you doing?" seryoso niyang tanong nang maabutan akong kumakain.
Agad akong natigil sa pagsubo at tinakpan ang baunan ko.
"Sorry po."
Gusto ko lang naman magearly lunch dahil for sure hindi na ako makakapagtanghalian dahil may meeting siya ng lunch.
"If you're going to eat and not work, better hand in your resignation."
Pinigilan ko ang sarili na mangatwiran. Pasalamat ka at Boss kita.
"Sorry Sir. Hindi na mauulit." sabi ko kahit hindi naman sincere.
"Let's go."
Nauna na itong naglakad. Tinignan ko ang orasan at 11 o'clock pa lang. Ang aga naman niya sa meeting. Sumunod din naman ako sa kanya matapos ayusin ang lunch box na dala.
Sa 50th floor ang meeting kasama ang ilang investor. Nakaupo ako sa gilid kasama ang ibang secretary ng mga naroon.
May nagprepresent sa harapan patungkol sa isang project. Ang daming technical terms na ginagamit kaya halos wala akong maintindihan. Inilibot ko ang mata sa loob ng conference room at halos lahat ay nakatutok sa lalaking nagprepresent.
Natigil ang mata ko kay Kaleb na seryosong nakaupo at nakatingin sa lalaki. Halos hindi mo malaman kong nagugustuhan ba niya ang presentation dahil sa sobrang seryoso niya.
Ako lang ata ang hindi interesado sa presentation sa harap. Inaantok na ako sa tagal kong nakaupo rito. Ramdam ko rin ang gutom. Para hindi tuluyang antukin, inilabas ko nalang ang phone ko. Saktong nagtext sa akin si Clea.
From Clea:
Sobrang busy mo siguro kaya hindi mo man lang ako mabisita.Tunog may pagtatampo iyon. Epal talaga ito. Kabibisita ko lang sa kanya last week.
To Clea:
Hindi naman busy. Ayaw ko lang makita pagmumukha mo.Totoong nagiging mas busy ako ngayong week. Mas lalong nagiging demanding ang trabaho ko.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
Roman d'amourHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...