Chapter 50

12.8K 267 37
                                    

Kinulong ko ang sarili ko sa kwarto pagkabalik namin sa kanyang condo. Iritado na ako sa kanya kanina pa  ngunit mas lalo lang dumoble nang maalala ang babae kanina. Hindi ko maiwasang hindi masaktan. Hindi ko maiwasang magoverthink. Gusto niya ba iyon? Bakit biglang hinayaan niya lamang akong umalis nang dumating ang babae kahit panay ang tutol niya sa lakad ko? . 

Kinabukasan, maaga akong nagising. Himalang nakatulog ako kagabi dahil sa dami kong iniisip. I wake up early just so I can avoid him ngunit mukhang alam niya atang may plano akong ganito. Naabutan ko siya sa sala na nakaharap sa kanyang laptop.  Bumaba ang kanyang mata sa aking hawak na suitcase bago muling bumalik sa akin. Matalim niya akong tinitigan.

"What are you doing?" mariin niyang tanong.

Nakaupo ito sa isang sofa. Hawak hawak niya ang kanyang isang baso ng kape.

"Uuwi na ako. May flight ako mamayang hapon."

I'm not even sure why I slept here. Dapat kahapon palang ay pumalag na ako na umuwi. 

"I moved your things here. "

Kunot noo ko siyang tinignan. Medyo hindi ko agad nagets ang kanyang sinabi ngunit nang makita ko ang ilang pamilyar na gamit malapit sa pintuan ay hindi ko siya makapaniwalang tinignan.

" Kaleb. Anong ginawa mo?" hindi ko mapigilan ang pagtaas ng aking boses.

Seryoso at halos walang gana niya akong tinignan. Paano niya? Nevermind-- he have all the resources. Matalim ko siyang tinignan. How dare this guy move my things without my permission?

" Nababaliw ka na ba?" nanggigigil kong tanong.

Bigla bigla nalang niyang kinuha lahat ng gamit ko sa apartment. At saan niya nakuha ang aking susi? Inis kong hinalughug ang aking sling bag at wala doon iyon. Nanlilisik ang aking titig nang muli kong binalik sa kanya. Paanong hindi man lang nagtanong at nagtaka ang aking Landlord. Oo nga pala at si Kaleb ito. He can get whatever he wants.

" I'm sure not," he said as he sipped on his coffee.

Nakapamaywang na ako sa inis. I hate how he can have things the way he likes. Ngayon pati pagtira ko rito? What really is his plan? Gawin akong pokpok niya 24/7?? Mas lalong dumoble ang inis at galit ko.

"Bakit? For sex?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya ngunit para wala man lang siyang paki sa sinasabi ko.

"Pwes. Kung ganoon nga, don't expect my body to be available 24/7 or kung kailan mo gusto. "

Hindi ko na siya hinintay pangsumagot at naglakad na muli ako paakyat.

"Your other clothes are in my room."

Napasinghap ako ngunit hindi siya nilingon. Matapos ibalik ang aking suitcase sa guestroom ay dumiretsyo ako sa kanyang kwarto.

His room is still the same. Ang bago lang ata ay ang beddings but the interior looks the same the way I remember it. Pumasok ako sa kanyang walk-in closet at hindi ako makapaniwalang lahat ng aking damit ay maayos na nakahilera roon. I can't believe him. Binuksan ko ang isang drawer at maayos na nakatupi roon ang iba kong damit. Bumaba ulit ako sa isang drawer. Nanlaki ang mata ko nang makita ang underwear ko roon na nakatupi.

Kahit gustuhin ko mang bumalik sa apartment ay kailangan ko pang maghanap ng magmomove ng aking gamit. Wala akong masyadong panahon dahil sa busy kong trabaho. Ang hinayupak na Kaleb na iyon.

Muli lamang akong bumaba nang makaramdam ako ng gutom. Nagtaka ako nang makita ulit siya. Wala ba itong trabaho?

"Hindi ka ba aalis." I asked.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon