Chapter 43

8.6K 194 11
                                    

--SPG---

"There's a changed of flight schedule. Ria called in sick kaya ikaw muna ang magtatake over sa kanyang flight. It's a private flight."

Ma'am Sanya informed me. Tumango ako. Tatlong buwan na ang lumipas simula ng una kong flight. Nakailang lipad na din ako at karamihan roon ay domestic flight. Dalawang beses palang akong naginternational flight.

" It's your first private flight right?" muling tanong nito.

"Yes, Ma'am." agap ko.

Sobrang istrikto nito magmula ng training namin hanggang ngayon. Kaya ngayon nagpipigil hininga ako sa sobrang kaba.

Umalis na din ito matapos iyon. Doon lang ako nakahinga ng maayos. I should learn how to be around her without getting nervous.

"May flight ka bukas?" tanong ni Shaira, isang kasamahang flight attendant na nakasama ko rin noong interview hanggang sa training.

"Yeah, private flight. Ikaw?"

"Wala. Day off ko." nangingiti nitong sabi.

It's supposed to be my day-off ngunit nagkaroon ng emergency ang isang kasamahan kaya kailangan kung kunin ang kanyang schedule bukas.. Hindi na ako nagreklamo.I also want to experience how to handle a private flight. Sabi ng pinagtanungan ko ay hindi naman hassle dahil kakaunti lang naman ang tao roon. Siguro ay hindi tataas ng lima.

Iyon nga lang kailangan ko ulit ipostpone ang pag akyat ko sa Baguio. Noong nakaraang buwan pa ang huling akyat ko. I really missed my siblings. Hindi ako sanay na malayo sa kanila. Mabuti nalang at may video call kaya kahit papaano ay nagkikita pa rin kami.

Walang araw ang nagdaan na hindi ko sila namimiss. Kapag nakapagipon na talaga ako ay sisiguraduhin kong dadalhin ko sila rito.

"Pasensiya na ah. Hindi ako makakauwi diyan gaya ng pangako." malungkot kong sabi.

"Huwag po kayong mag-alala Ate. Naiintindihan naman namin."

Napangiti ako. Nasa veranda ako ng aking apartment. Tumingala ako sa langit. It's dark. Walang bituin.
Dumampi ang malamig na hangin sa aking balat. Sobrang nasanay na ata ako sa lamig kaya hindi na ako nagjacket pa. It's getting colder because it's already ber months.

"Thank you, Sofie. Sige na, matulog ka na. Sorry that I called late."

Binaba ko ang aking phone. Gabi na ako nakauwi. It's almost midnight but I can't fall asleep. Mabuti nalang at tanghali ang schedule ng flight ko bukas kaya may oras pa akong magpahinga.

Dinama ko ang malamig na hangin sa aking balat. I tried looking for a star ngunit sobrang dilim ng kalangitan. The moon was not even showing. Natatakpan ng mga ulap.

Bumalik ako sa loob upang kunin ang alak na nakatago sa cabinet. I think I need a sipped of alcohol to sleep.

I poured a little amount of alcohol on my glass before sitting on the chair next to me.

The night was dark and sad. Hindi ko tuloy maiwasang makiramdam. Hinayaan ko ang sarili na isipin siya. Minsan lang naman at ngayon lang ito. Masyado akong naging abala sa aking trabaho at hindi na siya ang laging laman ng aking isip. Minsan ay pumapasok siya sa aking isip tuwing nakakakita ako ng bagay na nakakapagpaalala sa kanya  o kaya naman sa tuwing ganitong oras. Times where I'm not doing anything. I let myself think of him.

The last time I saw him was when I'm still training. Akala ko ay makikita ko rin siya sa birthday party ni Clea ngunit salamat sa diyos at hindi. That was four months ago.

Ang gulo ng puso at isip ko. Minsan gusto ko siyang makita pero minsan naman ay hindi.

Alas otso na ng umaga nang magising ako. Mabilis akong nag-ayos ng gamit. Hindi naman ako late pero kailangan ko pa ring agahang pumunta dahil baka matraffic ako.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon