Chapter 18

8.8K 188 2
                                    

Mabilis akong natanggap bilang secretary ni Kaleb. Nagpasa lang ako ng requirements at hindi na dumaan sa interview pero pumasa ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magdududa kong bakit ang bilis kong matanggap. Ineexpect ko nalang na magiging pahirapan ang buhay ko bilang isang sekretarya.

Lalo na at wala pa man din akong experience. Itratrain naman siguro ako.

Katatanggap ko lang ng mensahe kahapon na pasok na ako sa trabaho tapos next week na ako magsisimula. Kaya ngayon, pumunta ako sa mall para bumili ng pangcorporate attire. Wala kasi talaga akong damit na pasok sa standard ng company. Halos lahat ng damit ko kinulang sa tela.

Kasama ko si Clea na namimili. Pagod na ako kakalipat ng  store. Ang arte kasi ni Clea, pati sa pamimili ko ng damit nakikialam. Halos lahat ng kukunin ko hindi pasado sa taste niya. Akala mo naman malaki ang budget ko. Tagtipid pa naman ngayon.

"Huwag iyan."

Inirapan ko siya nang kunin ang hawak kong blouse at binalik sa rack.

"Ito mas maganda ito." sabi niya sabay pakita sa akin ang isang powder blue blouse na mukhang hindi kasya sa akin.

"Tumigil ka nga, Clea. Baka pumutok pa butones niyan kapag suot ko."

Kinuha ko iyong hawak niya at ibinalik sa pinagkuhanan. Inisa isa kong minomove ang mga nakahanger na blouse upang tignan kong may magugustuhan.

" Oh edi mabuti." narinig ko ang pagtawa niyo.

Bumaling ako sa kanya at tinignan ng masama.

" Magtatrabaho ako roon bilang secretary hindi para akitin siya."

"Maniniwala na ba ako niyan?" mapaglaro niyang tanong.

"Tumigil ka na nga." saway ko sa kanya.

Iniwan ko siya at dumiretsyo sa counter. May isa akong nagustuhan na blouse. Black and white lang ang kinukuha kong kulay ng blouse. Gusto kong nagbleblend in lang ako sa mga katrabaho.

Sa sunod na store ako nakapamili ng pang ibabang damit. Pinipilit pa ni Clea na mga skirt ang kunin ko pero hindi ako pumayag. Karamihan sa pinamili ko ay mga trousers at iilan lang ang skirt.

" Sure ka ba dito?" tanong ko kay Clea ng pumasok kami sa isang mamahalin na restaurant.

" Mukha ba akong nagbibiro. Lilibre na nga kita pagdududahan mo pa." hinila na niya ako para makasunod sa waiter na nagigiya  papunta sa aming table.

Nabusog agad ang mata ko nang matanaw ang kabuan ng city mula sa aming kinauupuan. Nakadagdag pa sa ganda ang mga ilaw mula sa mga building. Ang ganda.

" Ang mahal dito. Sana nag samgyup nalang tayo." sabi ko.

Medyo nanghihinayang talaga ako sa price kahit hindi naman ako ang gagastos. Hindi ko naman ito first time sa mga ganitong klaseng restaurant dahil sinasama din ako ng mga client ko at halos malula ako sa mahal na pagkain.

"Pasok naman ito sa budget ko. Huwag kang mag alala. Hindi pa ako mababankrupt."

Hindi na ako nagreklamo pa dahil dumating din naman agad iyong waiter dala dala ang menu.

Agad kong tiniklop iyong menu pagkabukas ko palang. Nakakalula ang presyo.

"May I take your order ma'am?" baling sa akin ng waiter. Mukhang akala ata alam ko na ang oorderin ko.

"Same sa kanya." sabi ko sabay turo kay Clea na abala sa magtingin sa menu.

Tumango at ngumiti ang waiter sa akin bago bumaling kay Clea. Ilang segundo ay sinabi na ni Clea ang kanyang order. Sinulat ng waiter ang aming order bago nagpaalam.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon