I could not remember the last time I was able to sleep without any worry and pain inside me. Ni hindi ko na alam kong buhay pa ba ako. Pakiramdam ko ay namanhid na ang aking katawan sa sobrang pagod, puyat at sakit.
Sa mga nagdaang araw ay hindi maubos ubos ang aking luha. Pero ngayon ay tuluyan na akong napagod kakaiyak.
Muntik na akong matumba sa muli kong pagtayo. Mabuti na lamang at nahawakan agad ako ni Brix.
"Ate, okay ka lang." nag-aalala niyang tanong.
Tahimik akong tumango at bumalik sa muling pagkakaupo. Medyo masama ang pakiramdam ko. Times likes this reminds me that I'm pregnant. My mind was too pre occupied that sometimes I forgot that I'm pregnant. Kung hindi ko pa nararamdaman ang ilang sintomas ng pagbubuntis at mga paalala ni Clea ay baka ilang araw na akong dilat at hindi kumakain.
I forced myself to eat. Kahit sobrang wala akong gana.
Wala pa akong oras na magpacheck up. I'm too occupied with Lia's burial. Kahit sina Clea ang nag aasikaso.
"Nylah, magpahinga ka na. Huwag ka ng tumulong dito." saway sa akin ni Clea ng nagtangka akong tumulong sa pag-aasikaso ng bisita.
Ang ilan sa mga kaibigan ni nanay na galing pa sa Manila ay dumating ngayon.
Mabilis dumaan ang araw. We buried my little sister next to my mom. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Umaasa pa rin ako na sana panaginip nalang ito.
I hate this kind of pain. Muling bumalik ang alaala sa pagkawala ni nanay. I don't want to go through that kind of pain again.
I already visited the hospital for my first pre-natal check up. Kung hindi pa pinaalala ni Clea ay nawala na sa aking isip. I tried my best to take care of myself and my baby. Pinipilit kong kumain kahit sobrang wala akong gana.
I was very emotional too. Sabi ng doctor ay epekto daw iyon ng aking pagbubuntis. It's frustrating. Nagigising ako ng madaling araw para umiyak. Bigla nalang akong inaatake ng lungkot.
"Nylah, please take care. Alam kong mahirap ito para sa iyo pero hindi nalang ikaw. May buhay sa iyong sinapupunan."
Hawak hawak ni Clea ang aking kamay. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Alam kong kung pwede lang ay hindi niya ako iiwan dito. Hindi ako pumayag. She got a life. May trabaho rin ito. Nagamit na niya ang kanyang sick leave para sa akin. Malaki na ang tulong niya dahil siya mismo ang umasikaso sa buong lamay ni Lia. I'm too broken to function. Gayundin ang aking mga kapatid.
"Oo nga. Sige na, punta ka na." sinubukan kong pasiglain ang aking boses.
I smiled at her but she just stared back at me. Huminga ito ng malalim bago naglakad upang mayakap ako.
"I'll visit often. Alagaan mo ang sarili mo." sabi niya bago humiwalay.
Bumaling ito sa aking mga kapatid at nagpaalam bago muling kumaway sa akin at naglakad papaalis.
Tahimik akong naupo sa loob ng bahay. Nagpaalam na rin sina Sofie at Brix dahil may pasok sila sa school. I was left all alone in the house and I feel so empty.
Muli kong naramdaman ang nagbabadyang luha sa aking mata. Nang pumatak iyon ay mabilis kong pinalis.
Sinubukan kong gumawa ng gawaing bahay para madistract ako. Iniisip ko rin na maghanap ng trabaho upang may pagkaabalahan. I have no work already. Naterminate ang contract ko dahil sa ilang araw kong hindi pagpasok. I just received an email about my contract termination yesterday. Sa sitwasyon ko ay mahihirapan din akong bumalik kaya hindi na ako nagfile ang consideration. I just sent my apology letter.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...