Chapter 44

8.7K 205 7
                                    

I was deeply hurt and humiliated after that. Doon ko narealize na wala na pala talaga...I'm the only one who's still stuck on our past.

Umayos ako ng tayo nang papalabas na si Kaleb sa plane.

"Have a good day." pormal kong bati.

Lumipad ang tingin niya sa akin. Bahagya akong natigilan at agad nag-iwas. Nanguuyam ang kanyang mga titig. This feels so familiar. Ganito ang tingin niya sa akin noon. Some fucking cheap whore he can fuck when he want...

Mapait akong ngumiti. Tanging galit nalang ang natira. All his love for me was gone. I know he loved me at some point. Minahal niya ako pero sinaktan ko siya. He moved on. I should be happy for him ngunit sadyang hindi matanggap ng aking puso. I still want him... I want him back.

Dumaan ang sakit sa aking dibdib. Sobrang imposible ng aking iniisip. Galit siya sa akin. Sana nagkamali ako at may natitira pang pagmamahal sa akin.

But what's next. Anong gagawin ko pag naging kami ulit? Tututol muli ang kanyang magulang sa amin. They'll threaten me to leave Kaleb again. Naiisip ko palang na muli kong gagawin ang ginawa ko noon ay pinupunit na ang aking puso. I can't do that to him...  So better If I distance myself on him and stop thinking of wanting him back. Dapat matagal ko ng inalis iyon sa aking isip. Nasa makaiba kaming mundo. Masasaktan lang kami. Masasaktan lang ako...

"Hoy, unpack your clothes and go dress up. Dinner tayo sa baba." nagising ako sa pagkakatulala.

Tumango na ako at agad tumayo. I don't feel like going out. Gusto ko nalang magpahinga ngunit kapag mag-isa ko lang dito ay siya na naman ang iisipin ko. I don't think I could rest.

Pumasok na ako sa banyo at naligo. The flight lasted for three hours kaya naman hindi masyadong nakakapagod. We've rested for an hour here in the hotel. The same hotel five years ago. Dito rin kami nagstay noong nagkaroon nang isama ako ni Kaleb sa Cebu. 

" Lagi ka bang inaassign kay Mr. Del Prado?" tanong ko nang nagdine in kami sa restaurant sa baba ng hotel.

"Not really. It's my first time sana last time rin." tumawa ito.

I arched my brows. Nagtaka sa huli niyang sinabi.

" Bakit?"

"Ang daming rumor patungkol diyan kay Mr. Del Prado. Ang daming fubu niyan na flight attendant, mostly those who are assigned on his private flight. He would dropped them like a hot potato kapag nagsawa na o kapag nagiging attached ang mga kafling niya. Kaya mag-ingat ka diyan."

Bumaba ang tingin ko sa aking pasta. Parang binudburan ng asin ang sugat sa aking dibdib. It stings like fuck.

"Ang ilan pa nga ata ay natanggal sa airlines o baka pinatanggal niya daw."

Nanlaki ang mata ko. Ganoon kalaki ang impluwensiya niya. I hope his hatred won't influence others to remove me from work.

" That's illegal. Pwedeng magsampa ng kaso ang mga tinanggal. "I said.

Tumawang muli si Dalia bago sinubo ang pasta niya.

" Everything is possible for him. I mean his family owned the airlines."

Muling nanlaki ang aking mata at umawang ang bibig. Shit.. Bakit hindi ako nainformed? Hindi sinabi sa akin ni Clea. 

" Fucking your passengers inside the plane is a serious violation. It's against our code of ethics. Walang question question ay matatanggal ka na. "

Bigla akong nabulunan. Kinuha ko ang baso ng wine sa aking tabi at inisang lagok iyon. Pakiramdam ko ay uminit ang paligid. I suddenly felt nervous.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon