Chapter 10

9.2K 195 2
                                    

Hindi ko alam kong anong purpose ko sa trip na ito. Para akong hangin o kaya'y multo na nakasunod lang sa kanya. Ni hindi man lang niya ako nilingon kahit isang beses. 

Tanging si Kuya Andres, iyong bodyguard niya ang nakakausap ko. 

Maaga kaming umalis kanina ng hotel. Buong gabi ata akong dilat at hindi nakatulog dahil sa dami ng tumatakbo sa aking isip. Kaya ngayon sobrang ramdam ko ang antok ko.

Makulimlim ang panahon pero hindi naman maulan. Pareho ata sila ng mood ni Kaleb. 

"Good morning ma'am, would you like some drinks?" tanong ng flight attendant. Ngumiti ako bago umiling. Sobrang pagod at antok talaga ako. 

Alam kong sasakay kaming eroplano papunta sa Cebu pero hindi ko akalaing private plane. Bakit pa ba ako nagulat? Galing sa mayamang pamilya si Kaleb. 

Muling dumako ang tingin ko sa kanya. Seryoso itong nagbabasa hindi kalayuan sa akin. Sinigurado ko talagang medyo malayo ako sa kanya para maiwasan ang insulto niya. Pero parang hindi naman kailangan dahil kanina pa niya ako hindi pinapansin. 

Maganda nga iyon pero medyo nakakapanibago na hindi niya ako tinitignan ng masama. Kakabahan na ba ako rito. 

Lumapit na sa kanya ang flight attendant at inofferan ng pagkain. Ngiting ngiti pa ang babae, iyong ngiting nanglalandi. Seryoso niya itong nilingon bago may sinabi. Hindi ko narinig iyon pero kita ko ang pamumula ng pisngi ng babae. 

Agad kong ibinalik ang aking tingin sa hawak kong magazine nang marealize na tumagal na pala ang titig ko sa kanila. Anong problema mo? Mind your own business..

Walang pumapasok sa isip ko sa aking binabasa dahil siguro sa pagod at antok kaya naman natulog na ako. 

Maya maya pa ay naalimpungatan na ako. Nakadim na ang ilaw sa loob ng eroplano. Wala pa atang isang oras ang tulog ko. Tumayo na ako upang magstretching. Bigla akong nahiya nang tumunog ang tiyan ko dahil sa gutom. Hindi rin kasi ako masyadong kumain kanina sa hotel. 

Lumipad agad ang tingin ko sa mga kasama upang tignan kung narinig ba nila iyon pero si Kuya Andres lang ang naabutan ko sa kanyang upuan na tulog na tulog. Wala si Kaleb sa kanyang upuan. Saan kaya pumunta iyon? 

Umalis ako sa aking upuan upang hanapin sana iyong flight attendant pero hindi ko siya makita. Siguro titiisin ko nalang iyon gutom ko hanggang sa hotel pero hindi ko ata kaya. Kaya muli kong hinanap iyong flight attendant. Saan ba iyon nagsusuot? Baka nasa toilet. Kaya doon ang tinungo ko. 

Naglakad ako papunta sa plane toilet pero agad akong natigilan sa narinig.

"Ah,.. ah.. Faster." 

Agad na nanlaki ang mata ko pati ang bibig. Hindi ako inosente kaya alam ko kung anong nangyayari sa loob ng toilet. Rinig ko ang bawat paglapat ng laman nila pati ang kanilang ungol.

Tangina. Agad akong nagsisi na hinanap ko pa iyong flight attendant. Sana tiniis ko nalang iyong gutom ko. 

Aalis na dapat ako ng bigla ulit akong natigilan.

"Ah, Sir Kaleb..." muling daing ng babae. Iyong flight attendant at Kaleb??? 

"Fuck!!" mariing mura ni Kaleb bago natigil ang kanilang daing. 

Diyos ko. Maglalakad na sana ako papalayo nang biglang bumukas ang pinto sa mismong harap ko. Nilingon ko sila at doon ko nakumpirma na si Kaleb nga iyon kasama iyong flight attendant. Halos mamula na ako sa kaba at hiya.

Nanlaki ang mata ng babae at dumaan ang kaba sa kanyang mukha. Agad agad din itong naglakad papaalis. Dapat ako rin aalis na pero parang napako ang paa ko roon. Namumula na ako sa kaba at hiya.

Trapped in his Wrath  (Temptress Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon