Buong araw, tumulong ako kay nanay sa karenderya. Kinagabihan naman nagpaalam na ako dahil may trabaho pa. Bakas ang pagkadismaya sa mukha ni nanay ngunit hindi na ito nagkomento patungkol sa aking trabaho. Siguro, alam niyang hindi rin ako makikinig.
"Dito ka na umuwi mamaya?"
Tumango ako.
"Sige po nay..." Bumaling ako sa mga kapatid. "Sofie, Brix, Lia una na ako."
Pagdating ko sa trabaho. Mukhang galit pa rin sa akin si Sir Pam.
"Uulitin ko na naman. Laging mag-ingat. Gamitin ang mata. Ayaw ko ng maulit ang nang-yari kahapon." muli niyang paalala sa aming mga waitress.
"Ikaw, Nylah. Pasalamat ka at mabait si Sir Paul pati si Sir Kaleb at hindi ka na tinanggal." baling niya sa akin.
Alam ko naman iyon.
Kaya naman doble ang pag-iingat ko sa gabing iyon. Maingat naman talaga akong tao kaya lang sadyang nabangga lang ako kahapon.
"Cocktail please."
"Okay po ma'am." nilista ko ang order niya bago umalis.
Natigil ako sa paglalakad nang makita si Sir Paul kasama iyong Kaleb papalapit sa banda ko. Kinabahan agad ako. Bago pa ako makatalikod ay nagtama na ang mata namin ni Kaleb. Seryosong dumaan ang mata niya sa akin bago umiwas.
"Nylah." tawag sa akin ni Sir Paul. Wala akong nagawa kundi lumapit kahit gustong gusto kong umalis.
"Good evening, Sir." bati ko sa kanila.
Bumaling ang tingin ko kay Kaleb na agad ko ring binawi. Tingin niya palang kasi parang hinuhusgahan na ang pagkatao. Seryoso siya kanina ngunit ngayon ay kumunot na ang kanyang noo.
"Really, Paul? Don't tell me, she's one of your whore?" painsulto niyang sabi.
Halos tawagin ko na lahat ng santo para pigilan ako sa pagsabog. Hindi ko mapigilan ang pagkunot ng aking noo dahil sa pagkainsulto. Anong sabi niya? How dare him call me that? Kung sa normal na araw, baka nakipag-away ako rito. Kalma, Nylah.
Hindi ako nagsalita kasi baka kung ano ang lumabas sa bibig ko at makipag-away pa ako. Umakto lang akong parang hindi naapektuhan sa kanyang sinabi. I acted normal even if my blood boiling. Sinalubong ko ang tingin niya. Hindi ako nagpatalo sa kanyang titig.
"Kal, what the fuck are you saying?" hindi makapaniwalang sabi ni Sir.
He arched his brows. Bakas ang pag-insulto sa kanyang titig bago naglakad papalayo. Hindi pinansin ang sinabi ni Sir Paul.
"Pasensiya na talaga, Nylah."
Tumango na lang ako. Hindi na nagsalita. Nagpaalam na din ito at sinundan ang kaibigan.
"Kalma, Nylah." bulong ko sa aking sarili.
Buong shift ko, wala ako sa mood. Hindi pa rin matanggal ang sinabi niya sa aking isip. Bakit ba ako masyadong nagpapaapekto roon? Isipin nalang niya ang gusto niyang isipin. Wala akong pakialam.
"Hindi ka na mag oovertime." tanong ni Shiela nang makasalubong ko siya.
Umiling ako. Masyado ng pagod ang katawan ko. Nagpaalam na ako bago lumabas ng club.
Natigil ako sa paglalakad nang mapansin ang nagtatakbuhang ilang bouncer. Nilampasan nila ako.
"Anong nangyari?" tanong ko sa isang bouncer nang makalapit na ako roon.
Hindi ko na hinintay ang sagot dahil mukhang may away atang naganap. Nanlaki ang mata ko nang makita roon si Sir Paul at Kaleb. Nagdudugo ang gilid ng labi ni Kaleb. Mukhang siya lang ang nakipag-away. Sabagay, wala naman sa itsura ni Sir Paul ang pagiging basag ulo. Hindi na ako magtataka pa kung marami itong kaaway dahil sa sama ng kanyang ugali.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...