Halos bumigay ang tuhod ko sa panghihina na kinailangan ko pang tumigil para hindi tuluyang bumagsak. Pinunasan ko ang aking luha bago muling naglakad.
"Nylah, Anong nangyari? Okay ka lang." salubong sa akin ni Jenny.
Tumango ako kahit sa totoo ay hindi ako okay. Ang sama ng loob ko. Ang sakit ng puso ko. Ni hindi man lang niya ako pinakinggan.
Hindi ko na siya hinayaang magtanong pa dahil naglakad agad ako paalis. Ramdam ko ang titig ng mga tao. Mas lalong bumilis ang lakad ko ng maramdaman na naman ang papatulong luha.
Lumiko ako upang makapasok sa comfort room at doon muling tumulo ang aking luha. Pumasok ako sa isang toilet cubicle at mas lalong umiyak. Pinigilan ko ang aking hikbi.
Ang bilis naman niya akong akusahan ng ganoon. Hindi ko din naman siya masisisi dahil sa nangyari sa amin noon. Akala ko lang maayos na kami dahil maayos ang tungo niya sa akin kumpara noon. Masyado lang pala akong nagassume.
Mas lalo akong naging tahimik sa pag-iyak ng marinig ko ang papalapit na boses sa cr. Nagbukas sara ang pintuan at mas naging maliwanag sa aking pandinig ang kanilang pinag-uusapan.
" Kaya naman pala nakapasok."
"Ang sarap talaga ng buhay, bumukaka lang nagkatrabaho na."
Lumipad ang palad ko sa aking bibig upang pigilan ang pagkawala ng aking hikbi.
"Sinabi mo pa, balita ko nga hindi pa siya nakapagtapos ng college tapos nakapasok. Ang daming mas qualified sa kanya. Iba talaga ang nagagawa ng landi."
Parang akong binuhusan ng malamig na tubig. Halo halo na ang aking nararamdaman. Nanakit na ang aking mata dahil sa mga luha.
Muling natahimik ang loob ng cr.
Tanging ang pagsinghot ko lang at hikbi ang naririnig. Isang malaking sampal ang narinig ko. Hindi ko magawang mainis o magalit sa kanila dahil kahit hinusgahan nila ako ay may tama rin naman sila. Nakapasok lang naman ako dito dahil sa impluwensiya ni Kaleb.
Ilang minuto pa akong nanatili sa loob ng cubicle bago lumabas ng makalma na ang aking sarili. Kita ko ang pamumugmugto ng aking mata.
Atat akong naglakad papaalis ng building. Hindi ko matagalan ang titig ng mga tao sa akin. Gusto ko ng umuwi. Ayaw ko na dito. Hindi ako nararapat dito gaya ng iniisip nila.
Natigil ako sa lobby ng mamataan si Lana. Galit at halos nandidiri ang kanyang mata na nakatingin sa akin.
Ayaw kong kabahan dahil sa kanya ngunit hindi ko mapigilan. Nanigas ang aking paa sa aking kinatatayuan. Gusto kong maglakad paalis dahil ayaw kong lumikha ng kumosyon pero nakalapit na si Lana sa akin.
" I've always wonder how did you got in. Oo nga pala, you're a whore. You can use that to your advantage."
Hindi ako basta bastang naapektuhan ng insulto ngunit sa pagkakataong ito ay sapul na sapul ako. Ang titig ng mga tao, ang masasakit nilang salita at ang galit ni Kaleb ay tagos na tagos sa akin. Naninikip na ang aking dibdib sa sakit.
"Resign. Stop messing with my fiancee." diniinan niya ang huling salita.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang aking luha. Bahagya akong yumuko upang itago ang namumuong luha sa aking mata.
Walang lumabas sa aking bibig. Wala akong gustong sabihin.
" Ilugar mo ang sarili mo, whore." matigas niyang sabi bago ako nilagpasan.
Nanatili akong nakatingin sa aking black heels. Pumatak ang isang luha roon. Ilang beses akong kumurap bago inangat ang ulo at naglakad papalabas ng building. Hindi ko pinansin ang mapanghusgang titig ng nga tao roon.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...