Hindi natanggal sa aking isip ang nalaman kanina. Lalong bumigat ang aking pakiramdam. Parang akong sinampal ng katotohanan. I thought I did a great decision back then. Iyon ang nararapat kong gawin. I was miserable but the fact that I did that for his future lessen the pain. Kaya naman ngayong nalaman ko na walang saysay ang pang iiwan ko sa kanya noon ay sobrang sakit ng aking dibdib.
Masyado akong nagpadalos dalos sa desisyon noon. Hindi ko siya pinakinggan. Kung noon laging ganoon ang gagawin ko kapag may kakayahan akong ibalik ang oras, ngayon ni hindi ko na alam ang gagawin. Maybe, I should have stick with him. Maybe, I should have not done that. Pero wala na... Tapos na..
Kahit masakit at sobrang pagsisisi, kailangan kong tanggapin na wala na. It happened. I need to live with the consequences of my decisions.
The whole flight, he ignored me. Seryoso at malamig ito sa kanyang upuan. He was busy looking at his ipad.
Kaya naman ng papalapit ako sa kanya ay labis ang pagkabog ng aking dibdib.
"Here's your food." pormal kong sabi at maikling ngumiti bago nilapag ang kanyang pagkain sa harapan.
Nakatitig ako sa kanya at hinihintay ang pag-angat ng tingin ngunit hindi niya ginawa. Mapait akong ngumiti bago umalis. Ang bigat ng aking dibdib.
Kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin siya nabura sa aking dibdib. Kaya nga sobra akong nasasaktan.
Naiinis ako sa sarili. My heart still want him. I still want him back. Iyon ang kinakainisan ko sa sarili. I don't deserve him, maliban sa nasa magkaibang mundo kami.
Hanggang sa makarating kami ng Manila ay mabigat pa rin ang aking dibdib. I eyed him as he walked towards the plane exit...papalapit sa akin.
Nakatitig ako sa kanya ngunit nang salubungin ako ng kanyang malamig na titig ay agad akong nag-iwas. My heart boomed out of nervousness and guilt.
"Thank you for flying with us." tipid kong ngiti.
Nilampasan niya ako at sinundan ko siya ng tingin. I watch him walk away from me while I endured the ache in my heart.
"Gaga, ayan nagmumukmok ka ngayon." sabi ni Clea na tumabi sa akin.
Nakadapa ako sa kama at nakasubsob ang mukha sa unan. Sobrang wala akong ganang bumangon. Clea called para ayain akong lumabas. Wala akong gana kaya pinuntahan nalang niya ako rito ngayon.
" Don't be so sad. Kung ako ang nasa posisyon mo ay baka ganoon din ang gagawin ko. You're scared back then for him and for your family lalo na at iyong mga relatives niya pa ay binisita ka upang paglayuin kayo." sabi niya matapos marinig ang aking kwento.
May punto siya ngunit hindi nabawasan ang nakadagan sa aking dibdib.
" Halika na. Labas nalang tayo para hindi ka na magmukmok."
Hinila niya ako paupo sa kama.
" Wala akong gana. "
Nagpabigat ako upang hindi tuluyang mahila.
" Let's party. Kailangan mo ng alcohol at landi para hindi ka malungkot."
Umirap ako sa kanya. Ilang minuto pa ay tumayo na ako. Pumayag na rin kaysa naman magmukmok dito.
Naligo na ako. Matagal pa ako sa banyo dahil paminsan minsan ay natutulala. Kung hindi pa ako kinatok ni Clea ay hindi ko bibilisan.
I let Clea do my make up. Wala akong gana at tiwala naman ako sa make up skill niya.
Madilim na sa labas ng lumabas kami.
"Sinong kasama natin?" I asked her.
Nakasakay ako sa sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomantikHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...