Hindi ko na hinintay pang magising si Kaleb. Agad akong umalis nang sinabihin na ako ng nurse na pwede ng madischarge. Baka kung ano na naman ang insulto ang marinig ko kapag nagising siya. Mukhang hobby niya kasi atang insultuhin ako.
Pagkatapos noon, hindi ko na muling nakita pa si Kaleb. Nadala siguro kaya hindi na bumisita pa sa club o di kaya'y hindi lang talaga kami nag-aabot.
Maayos na lumipas ang dalawang linggo na walang problema. Sa bahay na ako umuuwi kasi mukhang medyo tanggap naman ni nanay ang trabaho ko. Kahit minsan, hindi niya maiwasang sabihin sa akin na ipagpatuloy ang pag-aaral.
Gustuhin ko man, hindi kaya ng aming pera. Lalo na at baon talaga kami. Malapit nang kunin ng bangko ang aming bahay dahil hindi kami makapagbayad. Iyong iba pang mga pinag-kautangan namin ay halos araw araw na ding nagpapaalala.
Hindi ako makatulog. Nakailang palit ako ng posisyon ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi matanggal sa isip ko na pwede kaming mapalayas dito sa bahay. Kanina lang ay isang mensahe galing bangko ang dumating. Pang-ilang notice na din iyon. Isang buwan nalang ang binigay na palugit.
Lumabas ako ng kwarto upang kumuha ng tubig. Natigil ako papalapit sa kusina nang makita si nanay. My heart tightened. Abala ito sa pagtipa sa kanyang calculator. Nasa harap nito ang ilang pera na binibilang. Bakas sa kanyang mukha ang pagod.
Namuo ang luha sa aking mata. Hindi ako palaiyak na tao ngunit kapag pamilya na ang usapan. Naiiyak talaga ako. Marahan kong pinunasan ang luha sa aking pisngi. It breaks my heart just by looking at my mom tired face. Ramdam ko ang pagod niya.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" bahagya itong nag-angat ng tingin nang mapansin ang paglapit ko.
Umupo na ako sa tabi niyang mesa.
"Hindi ako makatulog."
Tinignan ko ang pera na binibilang niya.
"Ma, may ipon ako. Idagdag nalang natin para kahit papano mabawasan ang utang nating sa bangko." alok ko.
Tumingin ito sa akin at umiling.
"Ano ka ba? Ipon mo iyon para sa tuition mo. Hindi natin yan gagalawin." sabi niya.
"Nay, okay lang. Mag-iipon nalang ako. Kaysa naman kunin ito ng bangko. Ang hirap maghanap ng maayos na matitirhan." pagkumbinsi ko sa kanya kasi mukhang determinado talaga siya.
"Nay." muli kong tawag sa atensyon niya.
Nakayuko lang ito at patuloy pa rin sa pagtipa. Hindi niya pinansin ang tawag ko. She always wonders where did I get my personality. Eh sa kanya ako nagmana, parehas na matigas.
"Nay, huwag na tayong magmatigas pa."
Huminga ito ng malalim bago ako nilingon.
"Pasensiya na anak."
"Ano ka ba nay? Kaya nga ako nagtatrabaho para makatulong. Mag-aaral naman ulit ako kapag nabayaran na natin iyong utang natin."
Lumapit na ako upang mayakap siya.
Akala ko okay na lahat ngunit kinabukasan sinugod namin si Lia sa hospital. Her nose suddenly bleeds and then fainted. Kabado at naiiyak na ako sa pag-aalala.
"Kumusta po Doc ang anak ko?" mabilis na tanong ni Nanay sa doctor.
"Sa ngayon po stable ang kanyang kalagayan. Pero kailangan pa nating dumaan sa diagnostic test para malaman ang kanyang sakit."
Nanghina ako. Ang gulo ng isip ko. Saan kami kukuha ng pera?
Ilang araw akong hindi muna pumasok sa trabaho. Hindi ko maiwan si nanay pati ang kapatid.
BINABASA MO ANG
Trapped in his Wrath (Temptress Series #2)
RomanceHoly Maria Nylah De Jesus life became chaotic and complicated when she was paid to seduce an anonymous man who happened to be Kaleb Elliot Del Prado. She unintentionally created a trouble causing Kaleb to call off his engagement, and lost his positi...